Sekyu Isinalaysay ni P/Lt. Col. Alvin Christopher Baybayan ang mapayapang pag aresto sa suspek na sekyu matapos suntukin sa mukha ang pulis na umawat sa kanya. Kuha ni JonJon Reyes

Sekyu nagwala, nanapak, inaresto

Jon-jon Reyes Feb 11, 2025
13 Views

ARESTADO ang 39-anyos na security guard matapos pagtulungan ng mga tambay makaraanng magwala, manggulo at tinangka pang agawin ang baril at sinuntok sa mukha ang traffic police sa C.M. Recto corner Sto. Cristo Sts., Tondo Manila.

Bandang alas-5:00 ng umaga nangyari ang insidente na dahilan para maaresto si alyas Ariel.

Sa salaysay ng mga umarestong pulis na sina Pat. Nicky Legaspi at Pat. Alvin Josue ng Asuncion Police Community Precinct ng Manila Police District, namamahala sa trapiko si Pat. Legaspi nang biglang lapitan ng isang concerned citizen at isinumbong na may lalaking nanggugulo sa nasabing lugar.

Pagdating sa lugar, narinig ang suspek na sumisigaw habang binabalibag ang isang motorsiklo at may kaaway na isang lalaki.

Lumapit ang biktima at humingi ng tulong sa pulis para awatin ang sekyu subalit hindi pa rin tumigil ang suspek sa paghabol nito sa biktima.

Dito na nagpakilala ang rumespondeng pulis at inawat ang suspek at nag-try na agawin ang baril ng parak.

Naging alerto ang pulis at nabigong agawin ng suspek.

Patuloy sa pagwawala ang sekyu at ng poposasan na ang sekyu doon na niya sinuntok sa mukha ang umarestong parak.

Doon na siya pinagtulungan ng mga tambay na nagresulta sa pagkaka aresto sa suspek.