Posas

Selosong kelot na binansagang serial killer tiklo sa Cavite

Edd Reyes Aug 16, 2024
32 Views

TIMBOG ang 22-anyos na selosong kelot na pinaghihinalaang pumatay sa kanyang live-in partner noong Biyernes sa Cavite.

Iprinisinta nina Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas at Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles ang suspek na si Reynad Pude kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang suspek na nadakip dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Tanza, Cavite.

Inamin ng suspek kay Nartatez ang pananaksak sa kanyang kinakasama na si Marian Angeline Manaois, 22, dakong alas-7:20 ng gabi sa harap ng restaurant sa Loreto St., Brgy. 85 Bagong Barrio dahil sa matinding selos matapos maghinala na may kalaguyo ang biktima.

Naisugod pa ang biktima sa Manila Central University (MCU) Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ng attending physician.

Nag-viral ang pananaksak ng suspek matapos mahagip ng CCTV na dahilan para kumalat sa social media ang gumagala raw na serial killer na basta na lang nananaksak.

Itinanggi Col. Doles ang kumalat na balita sa social media kaugnay sa gumagalang serial killer sa Caloocan.

Maging si Caloocan City Mayor Along Malapitan pinawi ang pangamba ng mga residente at iginiit na “fake news” ang kumakalat na balita sa social media.