Bato

Sen. Bato dapat humingi ng tawad kay PBBM sa imbestigasyon ng PDEA leaks

149 Views

Dapat umanong humingi ng tawad si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa patuloy na imbestigasyon nito sa PDEA leak na “in aid of election.”

“Ito pong hearing na ito maliwanag po ay hindi na po in aid of legislation, kung hindi in aid of election at ang tanging layunin lamang ay sirain at yurakan ang pangalan po ng ating Pangulo,” sabi ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua sa pulong balitaan sa Kamara noong Lunes.

“Kaya sa akin pong paniniwala, ito po ay pagsasaSen. Bato dapat humingi ng tawad kay PBBM sa imbestigasyon ng PDEA leaks
yang lamang ng pera ng taong bayan at oras ng Senado,” dagdag ni Chua na isang abogado.

Hindi na ipinaliwanag pa ni Chua kung bakit ito “in aid of elections” ang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Dela Rosa.

Si Dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police (PNP) sa unang bahagi ng administrasyong Duterte at nagpatupad ng Oplan Tokhang, ang kontrobersyal na war on drugs bago tumakbo noong 2019 elections. Inaasahan ang muling pagtakbo ni Dela Rosa sa pagkasenador sa 2025.

Nitong Lunes, itinuloy ng komite ni Dela Rosa ang pagtalakay sa umano’y PDEA leak na naguugnay kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at iba pang personalidad gaya ng aktres na si Maricel Soriano, sa paggamit ng iligal na droga.

Ito ay sa kabila ng tumitinding panawagan ng iba pang mga senador na itigil na ang imbestigasyon dahil sa kawan ng ebidensya at kuwestyonableng testimonya ng pangunahing testigo na humarap sa pagdinig.

Pinayuhan naman ni House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun si Dela Rosa na maglabas ng public apology sa Pangulo dahil nabigo itong suportahan ang mga alegasyon sa pag-dinig.

“Nakikiusap ako na kung walang mapatunayan sa hearing na ito na ebidensya, sana humingi sila ng tawad sa ating Pangulo dahil talagang dina-drag nila ‘yung pangalan, ‘yung malinis na pangalan ng ating Pangulo lalong lalo na sa mga usapin na wala naman talaga siyang kinalaman,” sabi ni Khonghun.

Hindi naman maunawaan ni Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez kung bakit ipinagpapatuloy pa rin ang pag-dinig kahit na nasasayang lamang ang pondo ng taumbayan sa imbestigasyon na wala namang sapat na basehan.

Kailangan aniya na magtiwala sa pamahalaan at pribadong institusyon dahil wala namang katotohanan ang mga ibinabatong akusasyon sa presidente.

“Hindi pa ba sila tapos? I mean, ito lang talaga iyong posisyon ko ha. I really don’t understand why so much time, money and effort is being poured into something that has no value whatsoever,” pagtukoy ni Suarez sa pagpapatuloy ng pag-dinig.

Malinaw naman aniya ang pagkakaiba-iba ng mga pahayag ng nagiisang testigo na ang sinibak na PDEA intelligence officer na si Jonathan Morales.

Pinuna rin ni Suarez ang pagkakadamay ng mga pribadong indibidwal sa kontrobersiya na wala namang kinalaman sa mga alegasyon.

Hiling nito na magprisenta ng ebidensya imbes na mandamay ng mga indibidwal.

“I really don’t understand, bakit po siya (Morales) binibigyan ng airtime? Not unless there’s another intention for the hearing,” ani Suarez sa imbestigasyon na posibleng may ibang motibo.

Sabi pa niya, “And what makes it sad is that people who are private are being dragged into this mess that actually have no interest whatsoever in the alleged, alleged pa nga ito hindi pa nga napapatunayan na totoo. Sana pinatunayan muna nilang totoo bago nila idinamay iyong mga pribadong indibiduwal.”

Binalaan naman ni Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores ang epekto ng imbestigasyon sa integridad ng Pangulo at sa Senado bilang institusyon.

“What’s being threatened right now is not just the integrity of the President, but also the integrity of the Senate as a body kasi they keep on holding investigations like that,” sabi ni Flores.

Tinuligsa rin nito ang pagpapatuloy ng imbestigasyon kahit pa nagpaalala na ang ibang senador laban sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Tila nagiging circus na aniya ang PDEA leaks at kailangan nang mahinto bago pa mauwi sa pagiging isang ‘palabas’

“And again, I said this before, if you hold the circus, you’ll naturally bring in the clowns,” dagdag niya.