Calendar
Nakipagpulong si Senador Erwin Tulfo kay DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro para sa initial briefing ng Code of Conduct sa West Philippine Sea nitong Pebrero 4, 2026. Si Sen. Tulfo ang bagong talagang chair ng Foreign Relations Committee ng Senado. Pinalitan niya si Senadora Imee Marcos nitong Pebrero 2. JOSEPH MUEGO
Sen. Erwin Tulfo handang makipagpulong sa ambassador ng China
HANDANG makipagpulong si Senator Erwin T. Tulfo sa Chinese ambassador kasunod ng kanyang pagkakatalaga bilang bagong chair ng Senate Committee on Foreign Relations.
“Yung hinihingi lang naman natin, ma’am, ay hayaan po yung mga fishermen natin sa fish. And then, pag nagkita yung Coast Guard nila at Coast Guard natin, huwag naman ho bombahin ng tubig.”
Kasunod ng kanyang pakikipagpulong sa Department of Foreign Affairs (DFA), ibinahagi ni Tulfo ang ilang mahahalagang isyu: “Marami kaming pinag-usapan… talked about situations abroad, mga countries na critical. Na if war will break out, may lalabas ba natin mga kababayan natin? Sabi niya, they’re ready.”
Tinalakay din nila ang sitwasyon ng mga OFW na may kasong kriminal: “We made sure of that during the last budget hearing, tinaasan po namin dun sa DMW… mga de campanilla po para mag-defend po sa mga kababayan natin on death row.”
Sa usapin ng West Philippine Sea, binanggit niya: “Well ongoing naman po, meron yatang mga conversations, not necessarily negotiations but dialogue ongoing between our Foreign Affairs and the Embassy of China.”
“Dati kasi parang ayaw ng China tanggapin yung Code of Conduct na yan, pero ngayon, they are willing.”
Patungkol sa tensyon sa Senado kaugnay ng mga pahayag ni Senator Rodante Marcoleta, sinabi niya: “Well, kanya kanya kasing pananaw yun eh… I believe may karapatan siya… it is contained in our Constitution—ang freedom of expression, freedom of speech.”
Gayunpaman, payo ng DFA: “We don’t know. Pero ongoing po yung dialogue… Hopefully, by December daw matapos na yan.”
Binigyang-diin ni Tulfo ang epekto ng mga kontrobersyal na pahayag: “Mukhang natigil yata… ang pag-aayos ng Code of Conduct. Ang target natin, hopefully in 10 months, matatapos yan around November, December.”
Nagbigay din siya ng halimbawa ng mga positibong bunga ng diplomacy: “May mga RORE mission na po tayo na hindi na po sinasaktan, hindi na po hinahabol-habol ng China Coast Guard.”
Sa hanay ng trabaho para sa OFW, binanggit niya: “Marami pong openings sa European Union countries… caregivers and hospitality workers… Para unti-unti na mawala na yung mga DH… Pero kung caregiver ka, at least, maganda.”
Tinukoy rin niya ang mga kasunduang tatalakayin: “Mga three treaties po… extradition, double taxation… higher education qualification.” Binanggit din niya ang reklamo sa LOA: “Kailangan talaga natin bantayan… file na po tayo ng bill dyan para maiwasan.”

