Ayaw magbayad, nasakote sa Valenzuela
Jan 24, 2025
Rape suspek tiklo sa parak-Manila
Jan 24, 2025
Calendar
Nation
Sen. ‘Idol’ Tulfo binisita OFW Hospital sa Pampanga
PS Jun M. Sarmiento
Jul 4, 2023
239
Views
DAHIL sa ilang sumbong, sinadya ni Sen. Raffy Tulfo ang OFW Hospital sa San Fernando City, Pampanga noong Sabado, July 1, 2023.
Sinalubong siya nina DMW Usec. Hans Cacdac at Hospital Administrator Dr. Dante Dator. Napag-alaman niya na ang ospital na ito ay may 100-bed capacity. Kasalukuyan, meron itong 46 na doktor at 72 nurses. Sa kabuuan, meron silang 200 personnel kasama na ang laboratory staff, admin staff, at iba pa. Ito’y nagbukas noong May 1, 2022.
Unang bumungad sa kanya ay ang Pharmacy Department at nagulantang siya dahil dinaig pa ito ng isang sari-sari store, walang mga istante at drawer siyang nakita at ang mga gamot ay nakalagay lamang sa mga tray na nakalapag sa lamesa. Maraming kulang na gamot, karamihan dito ay mga importante pa man din, tulad ng antibiotics.
At sa pag-iikot ni Sen. Tulfo sa iba’t ibang departamento ng ospital, napansin niya na bagama’t moderno at bago ang mga kagamitan dito, tila hindi pa ito nagagamit.
‘Di kalaunan, napag-alaman niya sa mga oras na iyon na dalawa lang ang pasyenteng pinagsisilbihan ng apat na palapag ng ospital na pawang in-patient pa. Ang isa ay empleyado pa mismo ng ospital at ang isa naman ay nanggaling pa talaga sa malayong probinsya. Kapansin-pansin din na tila ghost town ang gusali sa mga pasyente.
Nalaman din ni Sen. Idol na kapag Sabado’t Linggo, sarado ang kanilang Outpatient Department. At bigla siyang nanggalaiti nang malaman niya sa isa niyang staff na sumubok kumuha ng appointment sa online patient scheduling system nila na sa October 10 pa ang susunod na available slot para makapagpakonsulta doon.
Kaya inirekomenda niyang ayusin agad ang kanilang online portal at dapat buksan na ang Outpatient Department maski weekend para makapag-accommodate ng mas marami pang mga pasyente na gustong magpakonsulta.
Nakatanggap ng pangaral ang mga liderato ng ospital mula kay Sen. Tulfo na dapat agad-agad ay ilagay sa ayos ang kanilang sistema at mag-sipag. Kasunod noon ay nangako rin siya bilang Senate Committee Chairman ng Migrant Workers na magbibigay siya ng all-out support, partikular na sa pondo at staffing, para sa kapakanan ng mga OFW at kanilang mga dependents.
Sinabi rin ni Sen. Tulfo na babalik siya sa mga susunod na araw para magsagawa ng surprise follow-up visit.
Balik-PH na 17 Pinoys na na-hostage sa Yemen
Jan 24, 2025