Calendar
Sen Loren nagpasamat sa pagsasabatas ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act
NAGPASALAMAT si Sen. Loren Legarda sa pagsasabatas sa Republic Act No. 12022, o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, na naglalayong maglapat ng bagong hakbang laban sa smuggling.
Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang batas noong Huwebes na naglalayong bawasan ang smuggling, profiteering at hoarding ng produktong pang agrikultura sa bansa.
“Tayo ay nagagalak na napirmahan ang panukalang batas na ito, na naglalayong pababain ang presyo ng pagkain at paramihin ang pagkain sa hapag ng pamilyang Pilipino sa araw-araw,” pahayag ni Legarda, ang may akda ng batas.
Ang agricultural smuggling, hoarding, profiteering, pag-cartel at financing na krimen ikokonsiderang economic sabotage na may parusang habambuhay na pagkakakulong, pati triple sa kabuaang halaga ng produktong nagamit sa krimen.
Ang pagtulong sa krimen papatawan rin ng 20 hanggang 30 taong pagkakakulong, pati ang multa ng doble ng halaga ng produktong nagamit.
Magkakaroon rin ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Council na sisigurado sa tamang pagpapatupad ng batas.
Si Senator Cynthia Villar and author at principal sponsor ng RA 12022.
“Ang ating hangad ay makapagtaguyod ng mas magandang buhay sa ating mga magsasaka, na nasasamantala ng mga mandarayang negosyante, at nasasalanta ng mga delubyo taon-taon,” ani Legarda.
“Sa bagong batas na ito, ang paglikom ng buwis lalaki dahil sa mas maraming legal na produktong ibebenta sa merkado.”