Calendar
Sen. Ping: Oil storage na panukala ng Maharlika makakatulong sa bansa
SINABI ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na maaaring makatulong ang plano ng Maharlika Investment Corp. na magtayo ng pinalawak na oil storage facility upang maprotektahan ang suplay ng langis ng bansa.
Ayon kay Lacson, makatutulong ang panukalang pasilidad upang maiwasan ang posibleng kakulangan sa domestic oil supply lalo na’t nahaharap ang bansa sa banta ng mga susunod na pagtaas ng presyo.
“This is one good move to obviate the possible shortage of our domestic supply of oil. However, I cannot help but be apprehensive since the Maharlika Investment Corporation is an investment entity that is designed to earn profit — hence while it may help ensure continuous supply of oil, it may not be able to help bring down the prices of oil products,” sabi ni Lacson.
Iniulat ni MIC president at chief executive officer Rafael Consing Jr. ang plano sa isang pagdinig ng House panel, kung saan sinabi niyang itatayo ang pasilidad sa ilalim ng isang consortium model.
Sa setup na ito, ang Philippine National Oil Company ang mag-aambag ng lupa o iba pang assets habang sasagutin naman ng MIC at mga private investor ang pangangailangang pinansyal at ang mga partner mula sa pribadong sektor ang hahawak sa operasyon ng oil storage facility.

