Hontiveros1 Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, ang paglagak ng P10 million sa libro na may pamagat na “Isang Kaibigan” ay dapat ding mabusisi ng punto per punto.

Sen. Risa: Utang na loob isyu walang kinalaman sa budget

94 Views

WALANG KONEKSYON ang mga panunumbat ni Bise President Sara Duterte kay Senate deputy minority leader Risa Hontiveros kung saan ay ipinagkibit balikat lamang nito ang isyu na diumanoy wala siyang utang na loob na ibinabato laban sa senadora matapos magpalitan ang dalawa ng maaanghang na salita sa gitna ng budget hearing sa Finance Committee.

Ayon kay Hontiveros, dalawang pagkakataun na nagpasalamat siya kay VP Sara nuong ito ay tumulong sa aerial GMO spraying na konektado sa kanilang agrikulturang proyekto.

“Marunong po akong tumanaw ng utang na loob pero sa usapin ng pera ng taumbayan ay ibang usapan yan. Sa totoo lang ay hindi ko ma connect ang kanyang sumbat dahil inamin din naman niya na hindi niya ako tinulungan.” ani Hontiveros.

Sinabi pa ni Hontiveros na mismong sa bibig ni VP Sara nagmula na talagang hindi rin siya tinulungan nito nuong eleksyon at hindi niya makita kung saan hinuhugot nito ang kanyang panunumbat.

“Ang P2B na hinihinging budget ng OVP ay triple po yan sa mga nagdaan. At iyan po ang purpose kung bakit tayo nag i-interpellate. I don’t need for her to be kind. Courtesy lang ay okay na. At hindi ko pino-politicize ang budget hearing sapagkat ito ay obligasyon ng bawat isa sa amin dahil pera ito ng taumbayan.” paliwanag ni Hontiveros.

Ayon pa kay Hontiveros, ang kanilang tungkulin bilang mambabatas ay siguraduhin na hindi malulustay ang pera ng taumbayan at ito ay mapupunta sa tamang gamit at pamamaraan at hindi ang “utang na loob” isyu na walang kinalaman sa budget.

“Very inappropriate talaga ang action niya,” ani Hontiveros na nagkumpirmang hindi niya tatantanan ang pagkwestyon ng bagay na ito sa plenaryo lalot para sa kanya ang dapat lamang ilagak sa tamang ahensiya ang mga proyekto pare pareho o duplikasyon lamang. Aniya, ang paglagak ng P10 million sa libro na may pamagat na “Isang Kaibigan”– ay dapat din aniyang mabusisi ng punto per punto.

“Hindi natin palalagpasin pag mali ang adhikain. Kasi pera ito ng taumbayan.” giit ng senadora.

Sinabi rin ni Hontiveros na hindi niya kailangan at hindi niya rin inaasahan ang anuman kagandahan loob mula kay VP Sara.

“Hindi ko po kailangan ang anumang kindness from her. Courtesy ang ibinibigay sa tamang decorum. Pero dapat gawin pa rin ang aming tungkulin Sa totoo lamang po ay maraming netizens ang nagtatanong bakit ngayon lang siya nag isip sa pamamahagi ng libro. At ako man ay may ganyan din na katanungan,” ani Hontiveros.

Para naman kay Senate President Francis Chiz Escudero ang mainitan na pagtatalo ng dalawa ay parte ng isang demokrasyang bansa at bagamat dapat aniyang maibigay ang tinatawag na kortesiya ay hindi naman aniya ito nakasulat sa kanila batas.

“Courtesy is part of our tradition and practice but it is not written on our rule.” ani Escudero kung saan ay kinatigan niya rin si Hontiveros na walang masama umano sa mga tanong na ibinato nito ngunit sadyan mataas lamang aniya ang emosyon sa magkabilang panig kayat humantong sa pagpapalitan ng ganitong salita na maayos naman aniyang na kontrol ni Senator Grace Poe bilang chairperson ng Finance committe.

“Nahaluan ng emosyon na hindi rin dapat but all is well that ends well. Ibat ibang uri ng balitaktakan at ibat ibang uri din ng pinagdadaanan. Of course, we have to maintain order, decorum and proper conduct. Ganun pa man, ay hindi na bago ang ganito,” ani Escudero.