Hot News

Sen. Risa: Wag gamitin sa pamumulitika pag-uwi ng mga empleyado ng Senado

41 Views
Risa
Larawan: Risa Hontiveros

NAGLABAS ng matinding pahayag si Risa Hontiveros kaugnay sa naganap na tensyon at putukan sa Senate of the Philippines, kasabay ng pagdepensa niya sa mga empleyado ng Senado at minority senators na umuwi matapos ang session.

Ayon kay Hontiveros, tapos na umano ang sesyon kaya normal lamang na nagsiuwian na ang mga empleyado at senador.

“Wag naman nilang gamitin sa pamumulitika ang pag-uwi ng ating Senate employees, who are doing an honest day’s work,” ani Hontiveros.

Iginiit din niya na may mga “bad faith actors” umanong pilit inuugnay sa kanila ng Minority bloc ang kontrobersiya para umano protektahan ang isang taong “ayaw humarap sa batas.”

Matindi rin ang naging pahayag ng senadora hinggil sa nangyaring insidente sa Senado.

“Unfortunately, the Senate, The People’s House, the hallowed space where laws are made and rights are defended, was turned into a shooting range,” saad niya.

Tinawag din niya itong “historic low” para sa bansa at iginiit na walang sinuman ang dapat umasta na parang pagmamay-ari nila ang Senado.

Nanawagan din si Hontiveros kay Ronald dela Rosa na makipagtulungan umano sa mga awtoridad kaugnay ng kanyang warrant upang maiwasan pa ang karahasan at tensyon.

“We need to get to the bottom of this. The Filipino people deserve a full, independent, and unobstructed accounting. Walang takipan,” dagdag pa niya.