Robin

Sen. Robin, nais gamitin ang robinhood na pangalan sa senado

129 Views

MISMONG si Sen. Robin Padilla ang pormal na humiling sa Senado upang gamitin ang kaniyang tunay na pangalan na “Robinhood Padilla” upang aniya ay maipakita niya ang kaseryosohan bilang inihalal na senador ng ating bansa.

Sa kanyang pormal na sulat kay Senate Secretary Myra Marie Villarica, sinabi ni Padilla na nais niyang gamitin ang kanyang tunay na pangalan sa lahat ng kommunikasyon, pormal na mga sulat sa kanyang mga kakaharapin na trabaho sa senado sa pagbubukas ng ng 19th Congress.

Ayon sa mga tauhan ni Padilla, seryoso ang baguhan na senador sa kanyang trabaho kung kayat nais niyang gamitin ang totoong ngalan niya dahil aniya totoo ang kanyang isasapusong paglilingkod sa taong bayan.

Matatandaan na ang pangalan na Robinhood ay isang indibidwal na nakilala sa mga kwento nuong 12th Century sa England kung saan ay tagapag tanggol ang karakter nito sa maraming mahihirap na naaapi at kinukuha nito ang yaman ng ilan nasa posisyon para ibigay sa mga salat sa pera at kayamanan na siyang nagpasikat sa kwento nito.