Meralco Source: Meralco file FB post

Sen. Win nagbabala sa posibleng pataas ng presyo ng kuryente

143 Views

NAGBABALA si Sen. Win Gatchalian sa maaring maging resulta ng desisyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na huwag na ituloy ang ikalimang regulatory reset ng distribution rate ng Meralco mula 2022 hanggang 2026.

Ayon sa senador, maaaring humantong ito sa mas mataas na singil sa kuryente sa mga konsyumer.

Nababahala si Sen. Gatchalian na kung walang pag-reset ng rate, maaaring hindi tumugma ang singil ng Meralco sa kasalukuyang kalagayang pang-ekonomiya, na posibleng magresulta sa mas mataas na gastos sa kuryente para sa mga Pilipino.

“Bilang mga mamimili, tutol kami sa desisyon ng ERC na ‘wag nang isagawa ang ikalimang regulatory reset ng distribution rate ng Meralco.

Kailangang dumaan sa resetting process ang rate ng Meralco,” sabi ni Gatchalian sa mga opisyal ng ERC.

Ang rate reset isang proseso na isinasagawa ng ERC upang suriin at i-adjust ang distribution rate na sinisingil ng mga utility companies tulad ng Meralco.

Tinitiyak nito na ang mga singil naaayon sa aktwal na gastos ng paghahatid ng kuryente, isinasaalang-alang ang inflation, mga gastos sa operasyon at ang Weighted Average Cost of Capital (WACC).

Ang kasalukuyang WACC ng Meralco umaabot a 14.97% at hindi na ito na-update mula 2015.

“Ginawa natin ito sa National Grid Corporation of the Philippines at kailangan nating ipatupad din sa Meralco.

Dahil sa tinatawag na market power nito at katayuan bilang natural na monopolyo sa NCR at mga kalapit na lugar, kailangang sumailalim din ang Meralco sa rate reset,” sabi ni Gatchalian.

“Hindi ito makatarungan sa mga konsyumer. Hindi pwedeng basta magpatuloy ang 14 porsyento na rate reset ng Meralco sa susunod na apat na taon kung hindi naman talaga ito ang aktwal na rate,” pagdidiin niya.

Bilang vice-chair ng Senate Committee on Energy, hinimok ni Gatchalian ang ERC na gumawa ng pag-aaral na magbibigay-daan sa regulatory body na makahabol sa pagsusuri nito sa mga rate ng iba’t-ibang stakeholder sa sektor ng kuryente