Bong

Senado bubusisiin naglipanang billboards sa metro

110 Views

BUBUSISIIN ng Senado ang mga naglipanang billboard sa Metro Manila dahil sa iba’t-ibang mga reklamo mula sa mga commuters na nagiging sanhi ng ito pagkalito dahil agaw-pansin sa gitna ng highway.

Ito ang kinumpirma ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr., chairman ng Committee on Public Work and Highway sa Senado, sa pamamagitan ng kanyang Senate Resolution No. 924.

Ipatatawag ng senador ang iba’t-ibang sangay ng gobyerno at mga billboard companies mula sa mga electronic billboard hanggang sa mga ordinaryong billboard.

Ayon pa kay Revilla, naglalabanan sa palakihan at palakasan ng ilaw sa gitna ng EDSA ang mga billboards at nagiging sanhi ng maraming aksidente dahil sa distraksyon.

Sa resolusyon ni Revilla, gusto niya malaman kung gaano katibay ang mga billboards lalo pa’t sangkatutuak na bagyo ang dumadaan sa Pilipinas taun-taon.

Napag alaman rin na sa kasalukuyan walang matibay at konkretong batas na magbibigay regulasyon sa Department of Public Works and Highways kung paano ire-regulate ang mga billboards.
Thank you!What is this?Haha, thanks!