Calendar

Senado hindi na kailangan ng special session para masimulan impeachment trial
HINDI na kailangang magpatawag ng special session ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. o ng atas mula sa Korte Suprema upang masimulan ng Senado ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ipinunto nina House Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude A. Acidre na tahasang isinasaad sa Konstitusyon ang direktiba na aksyunan kaagad ang impeachment case na ipinadala ng Kamara.
“When they said that the Senate should start the trial forthwith, it means that it simply has to,” ani Acidre sa panayam ng media.
“The constitutional provision as provided under the Constitution is itself the call already. The Senate should convene the trial forthwith is already the call. You don’t need any other initiative from either the Executive or the Supreme Court for the Senate to undertake their constitutional duty,” dagdag niya.
Ayon kay Acidre, maaaring mag-convene ang Senado nang walang special session kapag aaprubahan ang deklarasyon ng martial law, batay sa nakasaad sa Konstitusyon.
Patunay din aniya ito na mayroong mandato ang Kongreso na hindi sakop ng legislative calendar at maaaring kagyat na aktuhan ang mga non-legislative matters tulad ng impeachment.
“At ‘di lang ito ang tanging situation na nakasaad sa Constitution wherein Congress needs to convene without need of a call. Kita natin, to confirm the martial law declaration, the Congress has to convene. Because as the Supreme Court previously noted, there is a distinction between the legislative and non-legislative powers of Congress,” punto ni Acidre.
“We can always say that the legislative powers of Congress are subject to recess, to the legislative calendar, but the exercise of the other constituent powers of Congress including impeachment may not necessarily be subject to the legislative calendar,” dagdag niya
“Kasi kung susundin natin ‘yung mindset ng Senate na dahil naka-recess, ibig sabihin ba ‘nun ang accountability ng public officials naka-recess din whenever naka-recess ang Congress?” tanong niya.
Sinegundahan ito ni House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Jil D. Bongalon at ipinunto na malinaw ang lengguwahe ng 1987 Constitution na kailangan simulan nang walang pagkaantala ang impeachment trial.
“Kung saan sinasabi doon na trial by the Senate shall forthwith proceed… sinasabi doon na ‘yung pag-uusig ay dapat simulan agad,” paliwanag niya.
Giit ni Bongalon na ang probisyon ng Konstitusyon ay hindi bukas sa interpretasyon o pagkaantala.
“Malinaw at not subject to any interpretation ito pong provision ng ating Saligang Batas,” sabi niya.
“That is why we will stick with that provision na dapat ang impeachment trial ay simulan agad ng ating Senado,” dagdag pa niya.
Nilinaw niya na ang Senado ay maaaring mag-convene bilang impeachment court kahit naka-recess ang Kongreso kung magkasundo ang mga miyembro nito.
“Considering that the Congress is in recess, then they can have or call for a special session primarily to act on the mandate of the Constitution that trial shall forthwith proceed,” saad ni Bongalon.
Malamig din si Bongalon sa ideya na maghintay pa ng tatlo hanggang apat na buwan bago umpisahan ang paglilitis.
“Why do you have to wait for another three or four months to act on the impeachment complaint na kung saan sinasabi na mismo ng Constitution na dapat ang paglilitis ay simulan agad. Hindi naman ibig sabihin na porke recess ay kailangan mong hintayin ‘yung pagbabalik ng sesyon ng ating Kongreso,” aniya.
Nagdulot ng debate ang impeachment ni Vice President Duterte sa papel ng Senado at ang pangangailangan ng special session.
Pebrero 5 nang ma-impeach ng Kamara si Duterte kung saan 215 na mambabatas ang bumoto na pabor, na mahigit doble ng kinakailangang 103 o one-third ng kabuuang bilang ng mga kongresista.
Agad namang naipadala sa Senado ang Articles of Impeachment na siyang didinig nito.