Sicat

Senado inumpisahan nang talakayin ang RBH No. 6

162 Views

LUMARGA na ang talakayan ng Senado umaga ng Pebrero 5 para sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 na layuning isulong ang Charter change (Cha-cha) sa mga probisyon ng Konstitusyon na may kinalaman sa ekonomiya.
Inimbitahan sa pagdinig ng Senado ang ilan sa mga eksperto sa batas at Konstitusyon.

Ilan sa mga inimbitahan na resource person ay ang mga bumuo ng 1987 Constitution tulad nina dating Chief Justice Hilario Davide Jr., dating Commission on Elections (Comelec) chairman Atty. Christian Monsod, dating Associate Justice Adolfo S. Azcuna-Phil Judicial Academy Chancellor, dating Associate Justice Vicente Mendoza, Dr. Raul Fabella, at IBON Executive Director Mr. Jose Enrique Africa na nagbigay ng ibat ibang opinyon at mungkahi sa pag aamyenda ng kasaluyan Saligang Batas.

Nauna rito, si Sen. Angara na isa sa may-akda ng RBH No. 6, kasama sina Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri at Senate President Pro Tempore Loren Legarda ay nagsabing importante na mapakinggan ang opinyon at pag iisip ng lahat ng legal luminaries at tinuturing ekspert sa pang ekonomiya ng bansa upang mabalanse ang gagawin pag amyenda sa ating kasalukuyang probisyon sa pang ekonomiya.

Ang mga naimbita naman ng eksperto sa pang-ekonomiya ay nagsabing napapanahon na ang ganitong pagbusisi at pagpapalit dahil sa negatibong epekto na dinulot ng 1987 sa ating bansa na nagbunsod aniya ng matinding paghihirap sa marami nating kababayan.

Ayon kay Dr. Gerardo Sicat, na siyang kauna-unahang National Economic Development Authority Chief sa ilalim ng dating Pangulong Ferdinand Marcos sr., ang pag-amyenda sa economic provision ng Saligang Batas ay napapanahon na at ito aniya ang siyang dahilan kung bakit namilipit tayo ng husto sa mga nagdaang panahon na nagdulot ng kahirapan sa marami nating kababayan dahil sa napakaraming restriksyon na hindi pwedeng makagalaw ang sinumang namumuhunan lalo pa kung ikaw ay isang banyaga.

Sinisi ni Sicat ang pang-ekonomiya probisyon na ito kung bakit nilayuan tayo ng maraming foreign investors kung saan ay sinabi niyang hindi ito makatuwiran at hindi rin balansyado kung kayat natakot ang maraming mamumuhunan na maglagak ng kanilang pera at negosyo sa ating bansa.

“I do favor the economic changes because we, Filipinos have suffered long enough. We failed to invite foreign capitalists that can help our country to generate high level of development. Too much restrictions and over protective provisions, for decades now have caused our country a major decline in Asian region compared to our neighboring countries in the Asean region. We need to undertake this adjustment. We need to learn how to correct our mistakes and we need to do much more,” ani Sicat sa nasabing pagdinig.

Si Sicat, ay kilalang eksperto sa ekonomiya na sinasabing nagdala sa ating bansa sa baybay ng tagumpany nuong panahon ni dating Pangulong Marcos sr. kung saan ay kinilala ang bansang Pilipinas na ungos sa pandaigdig na ekonomiya.

Idinagdag niya na nagiging ugat pa umano ang sobrang higpit na pamamaraan na ito upang magkaroon ng korapsyon sa ating gobyerno.

Sobrang paghihirap na ani Sicat ang dinanas ng maraming Pilipino sa mga nagdaang taun bunga ng restriksyon na ito ay hindi naman aniya maikakaila na totoo ang nangyayaring paghihirap ng maraming Pilipino at napag iwanan na aniya tayo ng ating mga kapitbahay sa rehiyon ng Asya partikular ng Singapore, Malaysia, Indonesia, Thailand, at maging ang Vietnam.

Iginiit ni Sicat na hindi na akma ang nasabing batas at wala ng kakayahan ang Pilipinas sumabay sa ibang kapitbahay sa Asya dahil na rin sa nasabing batas na nagdulot ng humila aniya sa ating bansa ng pababa imbes na paakyat.

Inayunan naman siya ng dating kalihim ng Dept. of Finance si dating Sec. Margarito Teves na nagsabing babaha ng investment sa Pilipinas sakaling maipatupad ang pagbabagong ito at magbibigay ng maraming trabaho para sa maraming Pilipino.

“We are advocating for the lifting of our restrictive provisions that will signal a warm welcome to foreign investors. We should match our foreign competitors who are not comfortable with our restrictions.” ani Teves.

Para naman kay OFW Mr. Orion Perez Dumdum, na isa rin sa naimbita sa pagdinig, totoo ang dinadanas na hirap ng bawat Pilipino sa kasalukuyan batas kung saan ay wala umanong pagpipilian ang maraming PIlipino kundi umalis na lamang dahil sa hirap na dinadanas sa ating bansa.

“Naungusan na po tayo ng ating mga kapitbahay sa Asya. The 1987 Constitution is long overdue. It is a flawed Constitution and proven to be incompatible to Filipinos and our situation in this country. This constitution is full of restrictions. Kailangan natin tanggapin na ang dapat ibigay sa mga Filipinos ay trabaho dito sa ating bayan mismo. We need to create millions of jobs so we can no longer be OFWs.” ani Dumdum na naging emosyonal sa gitna ng hearing dulot ng dinanas na hirap at bullying sa Singapore kung saan aniya siya nagtrabaho bilang OFW.

Si Dumdum ay dating OFW Singapore based ay kilala din bilang principal co-founder at lead convenor of the Constitutional Reform and Rectification for Economic and Competitiveness and Transformation Movement na nagsabing hindi lamang siya ang Pilipino nagnanais umasenso ang bansa upang hindi na makaalis at makipagsapalaran sa labas ng PIlipinas.

“Dapat po ready tayo sa lahat ng possibleng rebisyon pagdating sa ating ekonomiya lalo mabilis ang pag ikot ng mundo ng teknolohiya at globalisasyon. Ang toothbrush na ginagamit natin hindi po ba nilalagay natin yan sa abot kamay na lugar dahil importante lagi natin nagagamit sa tuwing kailangan at agaran. Hindi pwedeng pahirapan mo ang sarili mo at itago ito sa vault o kaya cabinet. Ganyan din dapat ang trato natin sa ating mga probisyon pang ekonomiya. Dapat mabilis tayong makaka desisyon at makaka aksyon agad. Maraming OFWs na kung may choice ay ayaw umalis ng Pilipinas pero dahil walang gustong pumasok na investors dahil hindi nga maayos ang ating batas ay napipilitan lumabas na lamang ng bansa. We cannot always be dependent on other countries.” ani Dumdum.

Ayon naman kay Davide na siyang miyembro ng 1986 Constitutional Commission ay nagsabing seryoso at nakababahala ang possibleng pagpapalit ng Konstitusyon.

Para naman kay Senator Sherwin Gatchalian na nauna ng naghain ng posibleng pagbalangkas ng saligang batas batay aniya sa kasalukuyan sitwasyon ng bansa kung saan ay nahuhuli na tayo sa mga kapit bahay sa Asya. dahil sa nasabing isyu.

“The goal of this representation is to create more jobs by opening up our economy, speed up our growth by attracting more FDIs in our country.” ani Gatchalian.

Ang dalawang kamara ay inaasahan na sabayan tatalakay sa RBH NO. 6 kung kayat napag desisyunan na ihinto na ang pagpapalitan ng bangayan ng magkabilang panig upang marinig ang boses ng ibat ibang sektor at nakararaming PIlipino sa isyu ng pag amyenda ng saligang batas.

Para kay Pangulo ng Senado na si Senate President Juan Miguel Zubiri, dapat pakinggan ng bawat isa ang mga bagay na magbibigay kaluwagan sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng tamang paraan na hindi aniya masasakripisyo ang kapakanan ng ating bayan at hindi madedehado ang ating mamamayan.