Zubiri

Senado, nakatadkang lumipat sa 2024

204 Views

KINUMPIRMA ni incoming Senate President Miguel Zubiri na nasa kalagitnaan na ang bagong Senate bulding na kasalukuyan itinatayo sa Philippine Navy Village Taguig City.

Ayon kay Zubiri ang nasabing building ay nagkakahalaga ng P1.8 billion ay inaasahang matatpos sa taun 2024.

Masayang sinabi ni Zubiri na mas malaki at malawak ang nasabing lugar kung saan ay maaaring mabigyan ng tamang akomodasyon ang lahat ng mga nais bumisita sa Senado.

Sinabi naman ni outgoing Senate President Vicente Sotto III na bagamat nakalulungkot aniya ang pag alis na gagawin ng Senado sa kasalukuyan lugar nito ay mas makakabuti para sa lahat upang higit na maging epektibo sa serbisyong publiko na nais nilang ibigay sa taumbayan.

Ayon naman sa isang mapagkakatiwalaan source, milyon aniya ang matitipid ng Senado sa desisyon nitong umalis sa kasalukuyan inuupahan lugar sa GSIS building sa Pasay city na magagamit pa aniya ang sobrang pera na kasalukuyan binabayad nila para sa mas maaayos na proyekto,