Jinggoy

Senador nababahala sa pagdami ng malaswa, mahalay na pelikula

46 Views

BINIGYANG-diin ni Senate President Pro Tempore Jose Jinggoy Estrada ang pangangailangan para sa agarang aksyon mula sa pamahalaan upang labanan ang pagdami ng mga malaswa at mahalay na pelikula na ayon sa senador “alarming” o nakakabahala na

Nanawagan si Estrada sa mga kinauukulan na tugunan ang pagkalat ng mga easy to access na mga mahalay na pelikula na laganap sa mga streaming platforms.

Binanggit ng senador na ang Pilipinas nahaharap sa hamon mula sa mga platapormang inuuna ang kita kaysa sa responsibilidad sa lipunan.

Binanggit din ni Estrada ang Artikulo 201 ng Revised Penal Code (RPC) na tahasang nagbabawal sa pamamahagi o pagpapalabas ng mga materyal na itinuturing na imoral, mahalay o malaswa.

Ang sinumang lalabag maaaring makulong ng hanggang anim na taon, pagmultahin ng mula P20,000 hanggang P200,000 at kanselahin ang permit o lisensya.

Ibinunyag din ni Estrada ang diumano’y pagsasamantala sa mga artista na gumaganap sa ganitong mga pelikula.

Sinabi niyang binabayaran lamang ang mga aktor ng P15,000 kada araw at sa loob ng dalawang araw ay nakagagawa na ng isang full-length movie para sa streaming platform.

Nanawagan si Estrada na protektahan ang kabataan, mga pamilyang Pilipino at ang moralidad ng bansa laban sa mga hindi angkop na digital content.