Nanumpa Nanumpa ang mga senator judges kay Senate President Alan Peter Cayetano para sa opisyal na pag-convene ng Impeachment Court para sa rrial ni Vice-President Sara Duterte nitong Mayo 18, 2026. Kuha ni JOSEPH MUEGO

Senate Impeachment Court pormal nang nag-convene

33 Views

Nanumpa1PORMAL nang nagsuot ng impeachment robes ang mga senador noong Lunes habang sinuspinde ng Senado ang regular session nito at pormal na rin na nagpulong bilang impeachment court para sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte matapos basahin sa Senate record ang Articles of Impeachment laban sa kanya.

Nanumpa si Senate President Alan Peter Cayetano bilang presiding officer ng impeachment court, kung saan si Senadora Camille Villar ang nangasiwa sa kanyang panunumpa.

Ang pagsusuot ng impeachment robes ang nagmarka sa pormal na paglipat ng Senado mula sa regular legislative session tungo sa tungkulin nito sa ilalim ng Konstitusyon bilang impeachment court.

Nakabatay ang hakbang sa Article XI, Section 3, paragraph 6 ng 1987 Constitution, na nagbibigay sa Senado ng tanging kapangyarihang dinggin at desisyunan ang lahat ng impeachment cases at nag-aatas sa mga senador, kapag nakaupo para sa layuning ito, na manumpa o magbigay ng affirmation.

Sa ilalim din ng nasabing probisyon, ang Chief Justice lamang ang mamumuno kapag ang nililitis ay ang Pangulo ng Pilipinas. Dahil ang kasong impeachment ay laban sa Vice President, ang Senate President ang mamumuno sa proceedings.

Nakasaad din sa Konstitusyon na walang impeached official ang maaaring ma-convict kung walang concurrence o pagsang-ayon ng two-thirds ng lahat ng miyembro ng Senado.

Kinilala ng Senate Secretariat ang pagtanggap sa Articles of Impeachment mula sa House of Representatives, kasama ang mga annexes at 27 USB devices na naglalaman ng file copies ng mga dokumento.

Binasa rin sa record ang komunikasyon mula sa Kamara na nagpapadala ng isang sealed box na naglalaman ng mga dokumento mula sa Bureau of Internal Revenue kaugnay ng impeachment proceedings laban sa Vice President.

Ipinaalam din sa Senado na nakapili na ang Kamara ng mga prosecutor para sa impeachment trial.

Unang ini-refer ang Articles of Impeachment sa Committee on Rules. Kalaunan, may mosyon na i-refer ang impeachment articles sa impeachment court.

Dahil walang tumutol, sinuspinde ng Senado ang regular session nito upang magpulong bilang impeachment court.

Ang pagpupulong ng impeachment court ay nagmarka ng mahalagang procedural step sa kaso laban kay Duterte at naglagay sa Senado sa tungkulin nitong konstitusyonal na dinggin at desisyunan ang mga paratang.