Pacquiao

Senatorial line-up ng APBP nananatiling matatag — Pacquiao

Mar Rodriguez Mar 23, 2025
38 Views

SANTA ROSA CITY, LAGUNA— Ipinahayag ni “The People’s Champ” at dating Senador Manny “Pacman” Pacquiao na nananatiling matatag ang senatorial line-up ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) sa kabila ng kasalukuyang magulong sitwasyon sa politika.

Pagdidiin ng Pambansang Kamao na kaya nananatiling matatag ang samahan ng labing-dalawang pambato ng APBP ay dahil na rin sa suportang ibinibigay ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. para sa kanila.

Sinang-ayunan din ni Pacquiao ang pahayag ng kaniyang mga kapwa kandidato na kailangan ang isang malakas na legislative support upang mapanatili ang development agenda ng administrasyon.

Sabi ni Pacquiao na para maipagpatuloy ang napakagandang proyektong isinusulong ng administrasyong Marcos, Jr. Napakahalaga aniya na ang mga legislative agenda ni PBBM ay masusuportahan nilang mga administration candidates.

Muling naninindigan ang dating Senador na malaki ang kanilang “advantage” dahil bitbit nila sa kanilang pangangampanya ang mga adbokasiyang isusulong nila sa Senado. Kung saan ang unang tututukan aniya nito ay ang livelihood programs para sa mga mahihirap na mamamayan.

Binigyang diin ni Pacquiao na dahil siya ay nagmula sa kahirapan, kaya nauunawaan din nito ang kalagayan ng mga mahihirap na Pilipino.