Calendar

Metro
Senglot na obrero nagpilit pumasok sa barracks nanaksak ng sekyu
Jon-jon Reyes
Nov 25, 2024
186
Views
ARESTADO ang lasing na obrerong pumasok sa loob ng kanilang barracks dahil sa pananaksak sa security guard na sumita sa kanya sa Arlegui St. at Farnecio St., Brgy. 385, Quiapo, Manila noong Linggo.
Nahaharap sa kasong attempted homicide ang suspek na si alyas Mike dahil sa pananaksak sa sekyu na si Joel Francisco, 52.
Ayon sa report, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang pananaksak sa construction site sa naturang lugar.
Habang naka-duty ang security guard, lasing na pumasok ang suspek kaya binalaan na hindi siya pwedeng pumasok dahil sa paglabag sa house rules.
Subalit nagpumilit ang suspek at kinadyot ang biktima.
Patay na babae nakita sa bundok ng basura sa Payatas
May 14, 2025