Senior

Senior citizens’ building sa SP pinaganda, inayos

Gil Aman Jul 19, 2025
21 Views

SAN PABLO City–Inayos ang Senior Citizen Multipurpose Building sa syudad na ito sa Brgy. 1C (Bagong Bayan) kasabay ng oath taking ng mga officers ng samahan noong Biyernes na pinangunahan ni Laguna 3rd Congressman Loreto “Amben” Amante sa pamumuno ni dating Chairman Efren Reyes.

Ginastusan ng mahigit P2 milyon ang building sa inisyatibo ni Congressman Amante.

Sinabi ng mambabatas na muli niyang isusulong ang pag amyenda ng Centenarian Act upang gawing 70-anyos hanggang 75-anyos ang mga makakatanggap ng cash gifts.

Nakiisa sa panukala ang mga konsehal ng lungsod na sina Carmela Acebedo, Martin Adriano, Barbie Diaz, Ambo Amante, Ding Villanueva at Francis Calatraba.