Calendar

Sens. Win, JV: Pagdukot, pagpatay dapat bigyang hustisya
KINONDENA ng mga senador ang pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at sa kanyang driver at nanawagan sa mga awtoridad na kumilos upang maprotektahan ang mga inosenteng mamamayan na binibiktima ng mga mapagsamantalang grupo.
Dinukot noong huling bahagi ng Marso at natagpuang patay sa Rodriguez, Rizal ang dalawa sa kabila ng pagbabayad ng ransom.
Kinondena ni Sen. Sherwin Gatchalian ang insidente at nanawagan ng hustisya habang iginiit na dapat makilala at mapanagot ang nasa likod ng krimen.
“I strongly condemn the recent heinous kidnapping and brutal killing of Anson Que, a businessman from Valenzuela, and his driver.
Such a barbaric crime is a blatant and unforgivable assault on the rule of law, attacking the very foundation of a peace-loving and civilized society,” ani Gatchalian.
Nagpahayag rin siya ng pakikiramay at nangakong tututukan ang kaso. “Buong puso akong nakikiramay sa pamilya at kaibigan ng mga naulila. Makakaasa kayo na susubaybayan ko ang kaso na ito hanggang hindi natin nakakamit ang hustisya,” sabi ng senador.
Naglabas rin ng pahayag si Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito at iminungkahi ang posibleng solusyon.
“The recent spate of kidnappings is deeply alarming and demands the full attention and focus of the administration, as it threatens both public safety and the country’s business climate and international reputation,” aniya.
Iminungkahi rin ni Ejercito ang posibleng pag-aktibo ng isang espesyal na task force.
“If the Philippine National Police (PNP) is unable to act swiftly, I propose that we call upon the Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) to aggressively pursue and dismantle these kidnapping syndicates,” sabi ni sen JV.
Tinukoy rin niya ang dating mga matagumpay na operasyon laban sa mga sindikatong sangkot sa pagdukot.
“Undersecretary Gilbert Cruz, with his extensive experience in the Presidential Anti-Crime Commission (PACC), has successfully neutralized notorious kidnap-for-ransom groups like the Kuratong Baleleng and the Red Scorpion Gang led by Joey De Leon.”
Dinukot sina Anson Que at ang kanyang driver noong Marso 29, 2025 sa Valenzuela City.
Natagpuan ang kanilang mga bangkay noong Abril 9 sa Rodriguez, Rizal.