BBM

SG pangangalagaan, magre-recruit pa ng mga PH healthcare workers

Chona Yu Aug 16, 2024
85 Views

SELYADO na ang kasunduan ng Pilipinas at Singapore para sa recruitment ng mga healthcare workers.

Ito ay matapos saksihan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Singapore President Tharman Shanmugartnam ang paglagda sa dalawang memoranda of understanding na naglalayong pangalagaan ang kapakanan ng mga Filipino healthcare workers.

Kabilang sa mga nilagdaan na kasunduan ang MOU on the Recruitment of Filipino Healthcare Workers patungo sa Singapore at MOU for collaboration on Carbon Credits Under Article 6 of the Paris Agreement.

Sa ilalim ng MOU on the Recruitment of Healthcare Workers, nagkasundo ang dalawang bansa na tiyakin na bibigyan ng patas, ethical, at sustainable recruitment practices ang employment ng healthcare workers.

Sa ngayon, nasa 250,000 ang overseas Filipino workers (OFWs) sa Singapore.

“Through this MOU, we express our confidence in Singapore’s legal and judicial system, which will ensure that the rights, welfare, and well-being of our kababayan OFWs will be protected as they pursue their careers in Singapore,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Pangulong Marcos, inaayos na rin ngayon ang isa pang MOU on Health Cooperation.

“So that when the contracts of our OFWs are nearing completion, they will be able to reintegrate into the Philippine economy with ease,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Selyado na rin ngayon ang MOU on collaboration on Carbon Credits Under Article 6 of the Paris Agreement.

“Hopefully, with this memorandum, we will be able to incentivize both industries and individuals to actively work to reduce their carbon footprint, while allowing the government to mobilize financial resources to boost fiscal space,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nasa Pilipinas si Shanmugartnam para sa tatlong araw na state visit.