BBM

SG prexy kumpiyansa negosyo, turismo sa pagitan ng Singapore, PH lalago

Chona Yu Aug 16, 2024
31 Views

KUMPIYANSA si Singapore President Tharman Shanmugaratnam sa paglago ng mga aktibidad na may kinalaman sa negosyo at sektor ng turismo sa pagitan ng Pilipinas at kanilang bansa.

Kasunod ito ng kasunduan para mapadali ang biyahe sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa joint press briefing sa Malakanyang, binanggit ng Singaporean leader ang memorandum of undertanding para sa liberalized air services ng Singapore at Pilipinas.

Naniniwala si Shanmugaratnam na hindi lang turismo ang palalakasin nito kundi maging ang pagnenegosyo.

Interesado kasi anya ang kanilang mico, small medium entrprises (MSMEs) na pasukin ang iba’t ibang parte ng Pilipinas lalo na kung mapapadali ang pabalik-balik nila.

Suportado rin anya ng Singapore ang lalo pang pag-unlad ng Pilipinas sa tulong ng Singaporean companies.

Batay sa datos, umabot na sa US2.4 billion ang naaprubahang investments mula sa Singapore noong 2022, at US674.4 million noong 2023.