PBGEN Arnold Kinilala ni Negros Island Region police director Police Brig. General Arnold Thomas Ibay ang suspek na natimbog dahil sa pagdadala ng halos P7 million na halaga ng shabu. JONJON C. REYES

Shabu nakuha sa lalaki sa Bacolod

Jon-jon Reyes Dec 14, 2025
308 Views

TIKLO ang 37-anyos na lalaki dahil sa pag-iingat ng nasa 1,025 na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.97 milyon sa Purok Villa Esperanza, Brgy.Tangub, Bacolod City, Negros Occidental noong Sabado.

Ayon kay Negros Island Region police director Brig. General Arnold Thomas Ibay, nahuli ang suspek na si alyas John Paul bandang alas-5:55 ng hapon nina P/Capt. Greeky Cayao at P/Lt. Col. Antonio Benitez Jr..

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at dahil sa droga na nakuha sa kanya.

Nakuha din sa kanya ang 10 plastic bag ng hinihinalang shabu, isang P1,000 bill, 10 P1,000 bill na boodle money at isang Oppo cellphone.

Pinuri ni P/BGen. Ibay ang mga pulis sa pagkakaaresto sa suspek.