Shabu Kinilala ni PLt.Col.Norman Patnaan ang dalawang babaeng suspek na may kaugnayan sa ilegal na droga matapos matimbog ng MPD PS9 sa kahabaan ng Quirino Ave, Malate, Manila.

‘Shabu’ nakumpiska ng MPD sa lola, dalaga sa Malate

Jon-jon Reyes Oct 24, 2026
17 Views

SWAK sa selda ang isang lola at isang dalaga matapos matimbog sa ng mga operatiba ng MPD Malate Police Station sa Kadiwa Store ng Bureau of Plant Industry, madaling araw ng Sabado.

Ang mga suspek ay dinampot sa isang buy-bust na isinagawa sa kahabaan ng San Andres St. kanto ng Quirino Ave., Barangay 706, Zone 77, Malate, Maynila.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Seksyon 5 at 11, Artikulo II ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), ang mga suspek na nakilalang sina alyas ” “Rchelda/Agnes,” 61,tubong Baao, Camarines Sur, residente ng Interior 30, San Andres St., Brgy. 705, Zone 77, Malate, Maynila. at si alyas”Zoe,” dalaga, 31, residente ng Salsipuedes St., Brgy. 668, Zone 75, Ermita.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Norman M. Patnaan bandang 1:40 ng madaling araw nang ilatag ng mga operatiba ng Malate PS-9, SDEU, sa pamumuno ni PLT. Arvin V. Calub ang nasabing buy-bust.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang P500 bill na ginamit na buy-bust money. Narekober din ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 4.9 gramo at nagkakahalaga ng P33,320.