Vic Reyes

Shabu pinalusot na Xmas gip, buking

Vic Reyes Jan 12, 2025
10 Views

ISANG magandang araw sa lahat ng ating mga suki.

Sana’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Oman at iba pang panig ng daigdig.

Binabati muna natin si Patricia Coronel na nagdaos ng kanyang kaarawan noong nakaraang Enero 11. Nawa’y biyayaan ka pa ng masaganang buhay ng ating Pangioong Hesus.

Binabati rin natin sina:

Theresa Yasuki, La Dy Pinky, Endo Yumi, Lorna Pangan, Tadokoro, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Roana San Jose, Mama Aki ng Ihawan, at ang laging nakasuporta sa mga Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata.

Pagbati rin kay Joann de Guzman at sa kanyang mga kasama diyan sa Oman.

God Bless sa inyong lahat!

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa #+63 9178624484)

Mabuti na lang, laging alerto ang mga taga-Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark (POC) sa Pampanga.

Kung hindi ay baka marami ng illegal drugs, kasama na ang shabu, marijuana at ecstasy, ang nakapasok sa bansa.

Mahirap ng lumusot ang mga kontrabando sa mata ng mga opisyal at tauhan ni District Collector Jairus Reyes.

Maliban sa x-ray scanning machines at K-9 sniffing dogs, highly-trained ang mga tauhan ni Collector Reyes para malaman ang mga kontrabando.

Noon ngang December 19 ay nakasakote ang mga tauhan ni Reyes ng shabu na nanggaling pa sa Estados Unidos.

Nagkakahalaga ng P2.652 milyon, ang shabu ay tumitimbang ng 390 grams.

Ayon sa report, ang shabu ay isinama sa Christmas gift na coffee bags at mga kendi.

Noong idaan ang shipment sa physical examination, nakita ng mga taga-POC ang apat na vaccum-sealed transparent pouches.

Dito nakatago ang shabu na dumaan din sa laboratory test.

Ang laboratory analysis ay isinagawa ng field unit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Region 3.

Kasama sa operasyon ang Philippine National Police, Aviation Security Command, PNP Drug Enforcement Group at National Bureau of Investigation.

Tumulong rin ang mga barangay official ng Dau, Mabalacat City.

Tama lang ang ginagawa ng mga personnel ng BOC-POC na pag-intensify sa campaign against illegal drug smuggling.

Isa sa marching orders ni Pangulong Marcos sa BOC na pinangungunahan ni Commissioner Bienvenido Y.Rubio ang pagpuksa sa ismagling.

Lalo na ang ismagling ng illegal drugs at produktong agrikultura.

***

Kahit papalapit ang May 12 national and local elections ay naka-focus sa trabaho ang mga personnel ng Bureau of Customs (BOC).

Sa kanila, ibang trabaho ang pag-conduct ng elections sa bansa.

Hindi sila makikisawsaw sa eleksyon dahil trabaho ito ng Commission on Elections (COMELEC) at ibang concerned agencies.

Kailangan nakatuon sila sa revenue collection, trade facilitation, eradication ng ismagling at paglaban sa korapsyon.

Hindi biro ang P1.06 trilyon na revenue collection target ng ahensya sa taong ito ng 2025.

Hindi bale sana kung walang challenges ang kinakaharap ng mundo.

Maraming problema na makaka-apekto sa world trade.

Baka nga mag-slowdown ang mga importador na talagang makaka-apekto sa Pilipinas,

Kung bababa ang importasyon, bababa rin ang makokolektang buwis at taripa.

Tama ba kami, Finance Secretary Ralph Recto at Commissiner Rubio?

***

Maraming umaasa na gaganda ang revenue collection performance ng Bureau of Customs (BOC) sa taong ito.

Sa tingin natin ay handa ang gobyerno ni Pangulong Marcos para malampasan ang mga problema na kakaharapin ng mundo.

Ang kailangan lang natin ay magtulungan at huwag magbatuhan ng putik.

Walang ibibigay na buti ang laging nagbabangayan, lalo na at papalapit na ang May 12 national and local polls.

Kung may mali sa gobyerno, punahin natin pero hindi sa paraang makadadagdag pa sa ating mga problema.

Hindi destrructive kundi constructive criticism ang kailangan ng bansa.