Calendar

Sharon, nabati o nausog?
Hindi pa rin magaling si Sharon Cuneta base sa kanyang latest update.
Sa kanyang pinakahuling Instagram post, sinabi ng Megastar na hindi pa rin siya makatayo dahil nahihilo pa rin siya kapag nakatayo o nakaupo nang matagal.
“I am still always lying down on my bed as I am still always nauseated. I still dunno what hit me but if I stand or sit too long headaches and hilo hit me hard, and am just scared that I might have to throw up again (sorry that’s graphic),” ani Shawie.
Aniya pa, “Please pray for me. Thank you.”
Sa comment section ay sari-sari ang naging ispekulasyon ng netizens. May nagsabing baka nabati o nausog siya. May nagtanong din na ewan kung biro ng “have you done self-pregnancy test?”
May nagkomento ring baka side effects ‘yon ng cosmetic surgery. May nagsabi ring baka na-over-diet siya at mayroon ding humula na baka vertigo ang sakit niya.
Nagpahatid naman ng ‘get well soon’ messages and prayers ang celebrities na sina Martin Nievera, Coney Reyes, Dingdong Avanzado and Connie Sison, among others.
Matatandaang nagsimula ang sakit ni Shawie last April 7 nang pumunta siya sa birthday celebration ng anak niyang si KC Concepcion na ginanap sa isang resort.
Ayon sa post ni Shawie, duwal siya nang duwal kaya nakahiga lang siya sa birthday celebration ng anak.