Marites Lang

Si Russian President Vladimir Putin at ang crimea

Marites Lang Mar 10, 2022
599 Views

PuttinSI Vladimir Putin na Pangulo ng bansang Russia na umatake sa bansa ng Ukraine ay isang dating professional spy. Siya ay dating mataas na punong intelligence officer at naging Pangulo ng Russia noong taong 2012 dulot ng misteryosong resignation ni Boris Yeltsin. Siya ay naging Punong Ministro ng taong 1999 to 2000, nakuha nya muli ang pagka PM noong year 2008 hanggang 2012 hanggang naging Pangulo muli hanggang sa kasalukuyan. Medyo masakit sa bangs unawain kung bakit sya ay naglalaro lang between being a Prime Minister and President. Iba kasi ang structure ng gobyerno nila at pwedeng pwede sa kanila yung ganung political strategy. At isa siyang effective na leader in that kasi sa katunayan ay itinalagang isa sa Forbes’ Most Powerful Men sa buong mundo pitong beses lang naman mula taong 2012. Ang impluwensya ng bansang Russia sa ekonomiya, negosyo, palitan ng kalakalan ay tahimik subalit malakaaaaaas sila.

Hindi bobo ang mga Ruso kaya hinayaan nila siya mamuno sa kadahilanang ang yaman ng bansa nila tulad ng langis at gasolina ay napalakas niya, kung saan sa ngayon ay buong Europe ang sa kanila kumukuha ng mga nasabing fuels. Fuel power sila sa buong Europe at yung itinayo niya na state owned Gazprom ay napakalaki katunayan ay yun ang nagpagaan ng kabuhayan ng maraming mamamayan sa kanilang bansa. Pinayaman niya ang mga Ruso lalo na ang kanyang mga dikit na kaibigan. Oh, alam na natin kung bakit tumaas ang presyo ng gasoline sa atin nung tumaas ang kilay at fingers ni Vladimir Putin? Kundi pa naman ay eto, oil magnate na naasar pinakita nya na puwede ding maapektohan ng Russia ang World Crude Oil Price dahil Eurowide eh kinakaya niya isupply ng fuel. In short, madami sila nyan- isang anggulo yan na di pa napapag usapan… Si Vladimir Putin ay nagsabi ng mga salitang “The task of Government is not only to pour honey into a cup, but sometimes to give bitter medicine.” Ibig sabihin ay di lang matamis na pulot sa tasa ng mamamayan ang kaya ko ibigay, pati mapait na gamot ay kaya ko ibigay. Pag okey ka okey sya, pag di ka niya type papait ang buhay mo. Suplado siya kasi very rich.

Ang hindi nahahalata ng maraming negosyante ay may mga tagong negosyo at kabuhayan si Putin. Kahit Forbes magazine ay binabanggit ito. Pero dahil natural na Marites tayo ay nakapagtanong din tayo sa mga negosyante sa mga naging karanasan natin sa negosyo kahit noon pang taong 2008. At alam niyo ba na ayon sa mga ilang wheat flour importers ng trigo mula sa Turkey at China ay ang Russia din ang isa sa top producer at exporter ng wheat flour. Ang sabi nila noon, strict ang Pilipinas sa Turkish wheat flour eh kay Putin din yan. Tunay palang kadami nyang wheat farms at in fact sang ayon sa Observatory of Economic Complexity(OEC) mahigit isang kaapat or ¼ ng trigo na ginagawang pasta, tinapay, cakes at iba pa ang galing sa Russia at Ukraine combined. Sang ayon naman sa ibang reports ay mas malakas ang wheat flour exports ng Russia kesa sa mga giant economies na nabanggit. At eto pa, 30% ng world’s rough diamonds ay galing din sa Russia sa kumpanyang Alrosa. Sabi nga daw e mga 40% ng ibinebenta na mga diamonds sa buong Amerika ay nagbibigay ng diretsong pondo sa Russia. Ganyan katibay ang kanilang ekonomiya.

In short, malaki laki na ang pondo nila kasi big time na negosyante at layered ang strategies para sa mga economic figures at data. Nabulaga tayong lahat sa kakayanan niyang pumasok sa malakihang giyera. Ang nakakabigla ay kaya niya magsabi na kung gusto niyang gumamit ng nuclear weapons ay kaya niya. Oh di ba? Di natin nahalata na kaya pala kahit si James Bond at si Jason Bourne ay Russian KGB ang favorite nemesis nila kasi ay super rich sila. Yun pala ay super power sila talaga at madaming pondo. Saan ka pa? Sang ayon sa Panama Papers, mahigit 50 iba ibang eroplano ang pag aari ni Vladimir Putin. At ilan dito ay ginto ang toilet bowl. Inaaaang!!! Gold inlaid toilet seats!!! At meron daw palasyo si Sir Vlad,if I may call him that, na isang bilyong dollars ang worth. Loaded to the max nga.

Eh bakit naman kaya inaaway niya ang Ukraine? May pinag aagawan sila na property na ang tawag ay Crimean Peninsula. Noong March 2014 ay nilusob ng Russia ang Crimea at ginawang annexed property ito matapos agawin sa Ukraine. Sabi ng mga Ruso annexed territory nila ang Crimea at maraming Russians na nakatira dito. Tumahimik saglit ang gulo dito pero mukhang lately, ang Ukraine ay nagsabing “amin ito at wala kayong pakialam dito”. Naku itong Crimea ay 27,000 square kilometers na nasa northern coast ng tinatawag na Black Sea sa Eastern Europe. Anong mga kayamanan ang nakatago dito sa Crimea at pinagaawayan nila? Maaaring dumami ang manghuhulang magfofocus at aalamin ang yaman ng Crimea. Merong mga trigo din, large scale iron ore mining sa isang lugar dito, sa banda bundok daw nito ay may gubat na may mga exotic plants at mild Mediterranian climate. Dito din nakatayo ang Crimean Astrophysical Observatory. At may port city din ito. Magandang lugar at may kayamanan ding di pa nagagalaw dito.

Ayon sa Google e historically daw naman ay parte ng Russian Empire talaga ito pero may mga nangyari in between at kinamkam ng Ukraine ito. In short, ang kwentong agawan ng lupa ay umaabot sa ganitong levels pala talaga. Paano kaya ito mareresolba? May mga International Organizations na nakikialam para sa peace talks. Subalit sa tunay na buhay, sa lakas ng ekonomiya ng Russia ngayon sino ang may kakayanang pumigil kay Vladimir Putin? Feeling ko di sila mapipigilan kasi sila ay talagang ready i-elevate ang giyera sa level ng nuclear war. God forbid but I simply think na ito ay usapin nila ng Ukraine kaya dumating nawa sa punto na sila ay mag usap at mag compromise parang sa United Kingdom at China sa kwento ng Hongkong. Sabi nga, hindi baleng hindi makuha lahat basta buo ang ating karakter. At tigilan natin kagagawa ng opinion tungkol sa mga bagay na hindi tayo kasali noh! Ang agawan ng lupa ay may mga batas na dapat sinusunod at yung mga Partido lang na may mga ipinaglalaban ang dapat kasali sa usapang yan.

Tama sina BBM at Madam Sara sa pagsasabing hindi natin interes ang issue dito kaya hindi tayo sasali. Keber lang…