Gatchalian

Sindikato na sangkot sa SOGO may posibilidad na magpatakbo ng kandidato

36 Views

TAKOT ang nararamdaman ni Sen. Sherwin Gatchalian sa posibilidad na magpatakbo na ang mga sindikato na sangkot sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) ng mga kandidato para maimpluwensiyahan ang gobyerno.

Para kay Gatchalian, hindi dapat ipagwalang bahala ang kaso ni Mayor Alice Guo ng Bamban Tarlac dahil simula na ito ng unti-unting pagpasok at paniniktik sa ating gobyerno.

“We are exposed to a possible national security threat if she is a spy for another country. She is a mayor now who can become a congresswoman in the future, or a senator or can even aim higher position like the presidency.

We don’t know because this is now POGO politics and POGO has more than enough money to fund a political candidate and even to fund the highest position which is very scary,” ani Gatchalian.

Binanggit din ni Gatchalian na ang mga sindikatong ito may ugnayan sa mga kawani ng gobyerno kaya nakakakuha ng mga dokumento tulad ng passport at iba’t-ibang identification cards.

“This is about our country and national security,” dagdag ni Gatchalian. Ipinunto niya na siya mismo may dugong Tsino.

Para kay Senate deputy minority leader Risa Hontiveros, tama lamang at naaayon sa batas ang mungkahi ni Gatchalian na magsagawa ng DNA test kay Mayor Guo at sa sinasabing posibleng nanay niya na si Lin Wen Yi o Wen Yi Lin matapos mapatunayan na kasama ang huli sa lahat ng 7 negosyo ng kanilang pamilya.

Kabilang sa tinutukoy na negosyo ang QJJ Group of Companies, QJJ Farms, QJJ Embroidery, QJJ Meat Shop, 3LIN-Q Farm, QJJ Slaughterhouse at QSeed Genetics.

Kasama rin sa negosyo ang diumano’y mga kapatid ni Guo na sina Shiela L. Guo at Sieman L. Guo, ama na si Jian Zhong Guo o Angelito Guo at si Lin Wen Yi.

Ipinunto ni Hontiveros na napakaraming tahi-tahing kasinungaling ni Mayor Guo at kung talagang naniniwala siyang may punto ang kanyang sinasabi hindi siya tatanggi sa DNA lalo na at iba’t-ibang testimonya ang kanyang inilahad.

Gagawin ang susunod na pagdinig sa Hunyo 5 at kumpirmadong darating ang ilan sa mga kawani ng gobyerno para magbigay ng mga dokumento at testimonya sa isang executive session tungkol kay Guo.

Darating ang mga kinatawan ng National Bureau of Investigation, Department of Justice, Bureau of Internal Revenue at Philippine Amusement and Gaming Corp.

Nagpahiwatig na rin si Hontiveros na may kaugnayan ang kanilang pag uusapan tungkol sa angulo ng posibleng espionage na ginagawa ng ilan sa mga banyaga na may matinding interes sa PIlipinas kaugnay sa West Philippine Sea, mga power grid at telecommunications.

Ayon kay Sen. Loren Legarda, gigisahin niya ang ilan sa mga ahensiya ng gobyerno na dapat managot kung bakit nakakakuha ng mga dokumento ng Pilipinas ang mga banyagang ito at nagagamit sa kung anu-anong kabulastugan.

“This is very important to me considering that this matter is about national security.

It is very alarming that they can avail of our Philippine documents like birth certificates. Bamban is a small town but the possibility of infiltration of other nationals who are now running in local elective positions are really a national concerns,” ani Legarda.