Sing

‘Sing Galing’ Year 3, mas malaki, mas siksik

Ian F Fariñas Feb 20, 2025
29 Views

MULING magbabalik ang original videoke kantawanan show ng bansa, “Sing Galing,” pagkatapos ng dalawang taong pamamahinga sa ere.

Mas malaki at mas siksik nga ang third season ng iconic TV5 legacy show, na handa nang maghatid muli ng saya at katatawanan simula March 1.

This time, napagsama-sama ng TV5 ang magagaling, hinahangaan at mga bagong talento na swak sa videoke format ng programa.

Siyempre, nariyan pa rin ang tatlong original Singmasters na sina Randy Santiago, K Brosas at Donita Nose. Returnee “Jukebosses” naman sina Chief Sing-patiko Ariel Rivera, OG “Sing Galing” host Allan K, Phenomenal Diva Jessa Zaragoza, Champion Diva Ethel Booba at ang OPM Legend Sing-Nior Hitmaker na si Rey Valera bilang Head Jukeboss.

Apat na talented Jukebosses naman ang nakatakdang maghatid ng dagdag na excitement. Ito’y sina Soul Icon Ella May Saison, Asia’s Diamond Soul Siren Nina, Vocal Powerhouse Mitoy Yonting at multi-awarded songwriter/hitmaker Vehnee Saturno.

Sa pinagsama-sama nilang husay at hindi mapapantayang karanasan, siguradong magiging hamon at inspirasyon sila sa mga nangangarap na Singtestants na maging susunod na Ultimate Bida-Oke Star.

Muli ring aabutin ng “Sing Galing” ang mga kabataan sa pamamagitan ng Singtokers nilang social media sensations na sina Queenay, Gab Pascual, Ari G at Yanyan de Jesus.

Dapat ding abangan ang pagbabalik ng first-ever grand champion nitong si Marimar bilang co-host sa companion online show na Now Zending, kasama si Zendee.

Silang dalawa ang magbibigay ng eksklusibong digital content, backstage interactions at special features na mas maglalapit ng mga kaganapan sa mga manonood.

Sa mas pinalaking stage, powerhouse roster ng Jukebosses at kapana-panabik na Pinoy format, pangako ng “Sing Galing” Year 3 na maging mabisang plataporma para sa mga talentong Pilipino at sa mga nagmamahal sa musikang Pinoy.

Magsisimula nang mapanood ang “Sing Galing” Year 3 sa March 1, Sabado, 5:45 p.m., sa TV5.