Calendar
Sinong Baliw? Sinong Magnanakaw? Sinong Ninakawan?
NOONG 1986, nang nabisto ang planong pag-aaklas ng grupong RAM, naging isang malaking pagkakataon ito upang gamiting instrumento ng CIA sa pagpapatalsik kay PFM. Agad ipinaaresto ang Minister of National Defense na nagsagawa naman ng isang “ambush me!” kaya naman lumipat ito mula sa Camp Aguinaldo tungo sa Camp Crame ni Fidel Ramos na isang West Pointer (pwedeng CIA agent?).
Ang mga dilawan ay nanawagan na isang rally sa EDSA upang mapigilan ang pagaresto kay JPE! Gumalaw ang mga operatives ng mga Kano at kinausap nila si Cardinal Sin upang manawagan sa mga tao na magtungo sa EDSA. Nabuhay ang Radyo Bandido na nagsilbing bungaga ng EDSA rally.
At pagkaraka ay inalok ng mga operatiba, diumano, ng milyones si Cardinal Sin para gawin niya ang panawagan!
Nang kinidnap na ng mga Kano ang pamilyang Marcos, hinihingi ni Cardinal Sin ang kabuuang bayad. Ngunit siya ay dinedma ng mga kausap niya. Halos maBALIW ito – “bakit nagawa nila sa akin to”? EDSA is an event of Miracle proportion!
Kaya naman noong 2015, ng bumisita sa bansa is Pope Francis (na kung tawagin ng mga Pinoy ay “Lolo Kiko”) naisipan ng umiiral na administrasyong Aquino na hilinging sa kanya na gawing santa si Cory. Bilang patunay ng katapatan ng kanilang hiling ay niregaluhan nila diumano ito ng isang libong tonelada ng ginto mula BSP. Ang nasabing regalo ay isinakay sa eroplano ni Lolo Kiko.
Ngayon, hindi ba matuturing ito na isang uri ng pagnanakaw? Alam nyo na kung sino ang nagnakaw at sinong ninakawan?
Kahalintulad din ito ng napaulat na 3,000 tonelada ng ginto na ipinuslit patungo Bangkok, Thailand. Ngunit sa kasawiang palad ay diumano’y nasabat ng Iranian Security Forces dahil kanila daw ito. Ipinatago daw ito ng Shah of Iran sa Pilipinas ng inatake ng America at patalsikin nila ang Shah.
Sino ang nagnakaw? Sino ngayon ang magnanakaw?
Sampilongin sila ng katotohan ng malaman ng taong bayan kung sino ang Baliw; sino ang Magnanakaw; at sino ang Ninakawan?