Balilo

Siphoning operation sa lumubog na MT Princess Empress hanggang Hunyo 19

165 Views

TATAGAL umano hanggang Hunyo 19 ang siphoning operations sa nalalabing langis sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Rear Admiral Armand Balilo isang hose ang ikinabit sa tangke ng motor tanker at unti-unting hinihigop ang langis.

Nagsimula ang siphoning operation ng Dynamic Support Vessel (DSV) Fire Opal noong Mayo 29. Ang serbisyo ng Fire Opal ay kinuha ng Malayan Towage and Salvage Corp. (MTSC).

Lumubog ang MT Princess Empress sa bayan ng Naujan noong Pebrero 28. May dala itong 800,000 litro ng industrial fuel oil.

Sa walong compartment ng tanker ay dalawa ang hindi nabutas kaya hindi tumagas ang laman nito.Siphoning operation sa lumubog na MT Princess Empress hanggang Hunyo 19

TATAGAL umano hanggang Hunyo 19 ang siphoning operations sa nalalabing langis sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Rear Admiral Armand Balilo isang hose ang ikinabit sa tangke ng motor tanker at unti-unting hinihigop ang langis.

Nagsimula ang siphoning operation ng Dynamic Support Vessel (DSV) Fire Opal noong Mayo 29. Ang serbisyo ng Fire Opal ay kinuha ng Malayan Towage and Salvage Corp. (MTSC).

Lumubog ang MT Princess Empress sa bayan ng Naujan noong Pebrero 28. May dala itong 800,000 litro ng industrial fuel oil.

Sa walong compartment ng tanker ay dalawa ang hindi nabutas kaya hindi tumagas ang laman nito.