Posas

SLI sa Batangas nakorner sa dalang boga, shabu

16 Views

DINAMPOT ng mga otoridad ang isang lalaki sa umano’y pag-iingat ng mga baril at droga sa isang police operation sa Brgy. San Isidro, Cuenca, Batangas.

Ayon kay PMAJ Gharlie M. Reyes, hepe ng Cuenca Municipal Police Station (MPS), ang suspek ay kinilalang si alyas Cyros, isang street level individual o SLI.

Ang insidente ay naganap bandang 7:45 ng umaga, March 1, 2025 sa Brgy. San Isidro, Cuenca, Batangas.

Bitbit ng mga tauhan ng Cuenca MPS ang search warrant laban sa akusado para sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act), na inisyu ni Judge Agripino Bravo ng Regional Trial Court (RTC), Fourth Judicial Region, ng Lucena City na may petsang Pebrero 27, 2025.

Nakumpiska ng mga kapulisan mula sa pag-iingat ng suspek ang isang .38 Armscor 200 revolver, improvised .22 pistol, sling bag, apat na bala para sa 9mm, tatlong espesyal na bala para sa caliber .38; tatlong basyo ng pinaputok na bala para sa 9mm, at tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na may humigit-kumulang sa 0.15 gramo na may halagang P 1,020.