SMFoundation

SM Foundation isinulong kahalagahan ng edukasyon

136 Views

Nagkaloob ng scholarships sa 470 college students para sa SY 2023 – 2024

KAMAKAILAN ay nagkaloob ang SM Foundation ng scholarships sa halos 470 college students ngayong school year 2023-2024, bilang pagsulong ng paniniwala ng SM group sa kahalagahan ng edukasyon sa pag-angat ng komunidad.

SMFoundation1SMFI SAVP for Education Eleanor Lansang kasama ang ilan sa mga bagong freshmen SM scholars.

 

SMFoundation2Tampok ang isang interactive learning session sa LIMITLESS na pinangunahan ni SMEDD Corp. President Chico Sy, SM Prime VP for Market Research and Planning Ronald Tumao, at SCMC Regional Accounting Manager at SM Scholar alumna Grace Ortega.

Upang ipagdiwang ang bagong simula ng mga SM college scholar, idinaos nito noong Setyembre 2, 2023 na may temang LIMITLESS, isang online awarding ng SM College Scholarship program.

Dumalo sa nasabing event ang pamilya ng scholars, donors, at iba pang stakeholders. Kabilang sa dumalo ay si Linda Atayde, SM Foundation Executive Director for Education. Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Atayde patuloy na misyon ng SM group na suportahan ang mga mag-aaral upang magsilbing ehemplo ng pagasa at kabutihan sa kanilang mga pamilya at komunidad.

“We recognize the power of education to break the intergenerational cycle of poverty in our country. Education serves as the foundation upon which dreams are built, and it empowers individuals to reach their full potential. It is through education that we find the key to unlocking,” sabi ni Atayde.

Matatandaang itinatag ni SM group founder Henry “Tatang” Sy Sr. ang SM College Scholarship program noong 1993. Mula sa pagkakatatag nito, ang foundation ay nagbibigay buong suporta sa pamamagitan ng full scholarship, mentorship, at iba’t ibang klase ng mga workshop na naglalayong alagaan ang personal at propesyonal na paglago ng higit sa 5,000 college scholars sa buong bansa.