PSA Robert Andaya ng People’s Journal/Tonight: Double-double na 20 points and 10 rebounds. Photo by Angelica Castro/PSA

Smart Sports, Capital1 magtutuos sa PSA Cup

175 Views

MAGTUTUOS ang Smart Sports Scribes at Capital1 Solar Boys para sa kampeonato ng 2024 Philippine Sportswriters Association (PSA) Cup basketball tournament.

Binigo ng Smart Sports ang Say Chiz Smileys, 54-53, sa overtime, at naungusan ng Capital1 ang Strong Group Athletics Press Row Boys, 71-70, sa dalawang makapigil-hiningang sagupaan sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila kamakailan.

Ang knockout championship game ng Smart Sports at Capital1 pati na ang battle for third place sa pagitan ng Say Chiz at Strong Group ay gaganapin sa Monday, April 22.

Nagpakitang gilas sina Robert Andaya ng People’s Journal/Tonight at Reuben Terrado ng Spin.Ph para sa Smart Sports, na sinusuportahan din ng Headstart Sports Academy, Danny Espiritu, at BaliPure.

Nagtala si Andaya ng double-double na 20 points at 10 rebounds habang nag-ambag si Terrado ng 10 points at seven rebounds para sa Smart Sports.

Nakatuwang nila si AJ Bolando, na may 12 points, 13 rebounds, four assists at two blocks.

Nanguna si Jonas Terrado ng Philippine Inquirer ng 13 points, 18 rebounds, four steals, at four blocks para sa Say Chiz.

Naging kapanapanabik ang sagupaan ng Smart at Say Chiz mula simula hanggang katapusan, na kung saan ilang ulit na nagtabla at nagpalitan ng lamang ang dalawang teams.

Subalit umiskor si Andaya ng short jumper upang agawin ang kalamangan para sa Smart Sports, 52-50, bago sinundan ito ng isa pang two-pointer ni Terrado na may limang segundo na lamang ang nalalabi sa laro.

Hindi na nakabawi pa ang Say Chiz.

Samantala, nagsanib pwersa naman sina Bryan Ulanday ng Philippine Star, Mark Montejo ng Manila Bulletin, at Aldo Aviñante para sa Capital1, na bumawi mula 29-41 deficit para makalusot kontra Strong Group.

Si Ulanday ay may 21 points, eight rebounds, four assists at two steals, habang si Montejo ay may 16 points, ka ilang ang walo sa fourth quarter, seven rebounds at three assists.

May 16 points at eight rebounds naman si Aviñante.

Para sa SGA, nanguna sina Eugene Flores ng One Sports (21 points, seven rebounds) at Diego dela Paz (19 points, 16 rebounds).

Nagdagdag naman si Delfin Dioquino ng Rappler ng 14 rebounds.