SMHC Hinarap ni DOT Secretary Christina Garcia Frasco ang San Miguel Corporation sa pangunguna ni Hipolito “Tony” B. Reyes Jr., representative ng San Miguel Holdings Corp.

SMHC tutulong sa Love the Philippine campaign ng DOT

Jon-jon Reyes Sep 22, 2024
14 Views

NAKIPAGPULONG si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco kay San Miguel Holdings Corp. (SMHC) representative Hipolito “Tony” B. Reyes, Jr. para pag-usapan kung paano makakatulong ang kompanya sa pagpapaunlad ng turismo.

Umikot ang usapan kung paano aambag ang conglomerate sa kampanyang “Love the Philippines” ng DOT.

Napag-usapan din ang pagsasama ng mga disenyo ng Tourist Rest Area ng DOT at Environmentally Sustainable Toilet na naglalayong itaguyod ang mga malinis na banyo at itaas ang kamalayan ng publiko sa kalinisan.

Tinanggap ni DOT Secretary Christina Garcia Frasco ang mga panukala ng SMHC.

Sa kasalukuyan, mayroong 34 DOT-accredited Petron Rest Areas sa buong bansa.

Naging pormal ang partnership sa pagitan ng DOT at SMHC sa pamamagitan ng isang Memorandum of Understanding noong 2019.