BBM1

Soberanya ng bansa patuloy na itataguyod ng Marcos admin

Neil Louis Tayo Jul 26, 2023
209 Views

IDINEKALARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ang patuloy na pagtataguyod ng gobyerno sa karapatan sa soberanya at integridad ng teritoryo ng Pilipinas.

Iginiit ng Pangulo ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagsasama-sama ng lipunan upang matiyak na hindi mawawalan ng bahagi ng teritoryo ang bansa.

“Our journey to progress requires not only unity and social cohesion amongst our people. It is also imperative that our nation remains intact and inviolable, our sovereignty preserved,” ani Pangulong Marcos.

“We will protect our sovereign rights and preserve our territorial integrity, in defense of rules-based international order,” dagdag pa ng Pangulo.

Sinabi rin ng Pangulo na ipagpapatuloy ng gobyerno ang pakikipag-ugnayan at paggamit ng diplomasya sa ibang bansa para sa anumang isyu na kakaharapin nito kaugnay ng agawan ng teritoryo.

Iginiit ng Pangulo na ang interes ng bansa at ng mga Pilipino ang mangingibabaw sa mga foreign policy nito.