Solon iminungkahi COVID-19 benefits para sa mga social workers na frontliners

Mar Rodriguez Feb 27, 2022
259 Views

IMINUMUNGKAHI nang isang Metro Manila congressman na kailangang maglaan ng “COVID-19 benefits” para sa lahat ng social workers na nasa frontline at gumagawa ng kanilang mga tungkulin habang sila’y nakikipagsapalaran sa peligrong dulot ng pandemiya.

Inihain ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang inakda nitong House Bill 10810 na naglalayong pagkalooban ng benepisyo ang mga social workers na tinawag nitong mga “bayani” sapagkat matapang nilang sinuong ang peligrong hatid ng COVID-19 Pandemic.

“Public social workers perform vital and valuable work in the delivery of social services to the Filipino people amidst the ongoing COVID-19 Pandemic,” paliwanag ng mambabatas.

Sinabi ni Vargas na itinuturing na mga “bagong bayani” ang mga social workers dahil isinusulong nila ang kabutihan at kagalingan (welfare) ng kanilang komunidad at hindi nila isinasaalang-alang ang kanilang pansariling interes.

“They are heroes, promoting the good and welfare of our communities. Through a profession rooted on selflessness, this fact has especially rang true during these difficult times,” sabi pa ni Vargas.

Ayon kay Vargas, Chairman ng House Committee on Social Services, nakapaloob sa kaniyang panuklang batas ang pagkakaloob ng “fixed monthly special risk allowance”, hazard pay, duty pays at Philhealth coverage para sa lahat ng medical expences ng mga social workers na sakop ng kanilang trabaho.

Bukod dito, ipinaliwanag din ng kongresista na pagkakalooban din sila ng “insurance coverage” at sasagutin ng pamahalaan ang kanilang accommodation o bayad sa tinitirahang bahay, pamasahe, pagkain at cash equivalent o allowance.

“Aside from the P1 million as compensation in the case of death. I am also proposing the payment of P100,000 in case of severe COVID-19 sickness and 15,000 in case of mild moderate COVD-19 case. Malaki ang maitutulong nito para sa ating mga social workers,” sabi pa nito.

Magmumula naman sa pondo ng Department of Social Worker and Development (DSWD) ang pagkukuhanan ng benepisyo para sa mga social workers sa pamamagitan ng Miscellaneous Personnel Benefit Fund at iba pang mga benepisyo.