Adiong House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur

Solon kinilala pagsampa ng kaso vs 4 tauhan ng Davao City Registrant

33 Views

KINILALA ni House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur ang pagsasampa ng kasong kriminal sa apat na empleyado ng Davao City Civil Registrar’s Office na sangkot umano sa pagbibigay ng Philippine birth certificate sa mga Chinese nationals, na maaari umanong bahagi ng mas malawak na modus kaya dapat ipagpatuloy ang imbestigasyon.

“While this is a good first step, we must not stop with just one office. This kind of syndicate work could not have thrived without a broader network. We should look for similar operations in other parts of the country, especially during the Duterte administration when Chinese influence grew unchecked,” ani Adiong.

Sinampahan ng kasong falsification at cybercrime ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na empleyado ng civil registrar sa Davao City, matapos matuklasan sa isinagawang imbestigasyon na sangkot sila sa pagbibigay ng pekeng birth records sa mga Chinese nationals upang palabasin na Pilipino ang mga ito at magkaroon ng karapatan sa bansa gaya ng mga Pilipino.

Ginamit ang mga pekeng dokumento upang makakuha ng pasaporte, na nagbigay-daan sa mga dayuhang ito na makapasok at makapagtrabaho sa bansa nang legal.

“Any Filipino who helps a foreign national – especially someone from a country aggressively encroaching on our territory – commit fraud should be ashamed of themselves. This isn’t just a case of corruption. This is treasonous behavior,” ani Adiong.

Sinabi ni Adiong na ang eskandalo ay nagpapakita ng tensyon sa pagitan ng “Team Pilipinas at Team China,” at idinagdag na ang mga Pilipinong kumakampi sa dayuhang interes kapalit ng pambansang seguridad ay dapat na isiwalat at kasuhan.

“Team Pilipinas is fighting to protect our sovereignty, our identity, and our future. Team China is playing the long game, trying to infiltrate our systems one fake birth certificate at a time. Anyone helping them is not neutral – they are an active part of the problem,” aniya.

Nanawagan ang lider ng Kamara sa Department of Justice (DoJ), Philippine Statistics Authority (PSA), at Department of Foreign Affairs (DFA) na magsagawa ng masusing pagsusuri sa lahat ng birth records na inilabas sa nakalipas na sampung taon sa mga lugar kung saan may mataas na bilang ng mga migranteng Chinese.

“Look at other local civil registrar offices. Look at immigration records. Look at who’s getting passports under fake names. This may just be the tip of the iceberg,” babala ni Adiong.

Hinimok din niya ang Bureau of Immigration (BI) na suriin ang mga alien employment permits at investor visas laban sa posibleng pekeng pagkakakilanlan.

“Ang mga opisyal na nagpaparami ng dayuhang may pekeng papeles ay hindi dapat manilbihan sa pamahalaan. Kung tapat ka sa bayan, hindi mo ito ipagkakanulo sa kapalit ng pera,” ani Adiong.

Dagdag pa niya, mawawalan ng saysay ang mga pagsisikap na gawing Pilipino ang industriya, protektahan ang mga trabaho sa bansa, at palakasin ang digital identity systems “kung ang mga dayuhan ay madaling makabili ng kanilang pagkakakilanlan bilang Pilipino.”

“Lahat ng Pilipinong sangkot sa ganitong modus ay dapat kasuhan. Hindi natin pwedeng palampasin ito. Walang puwang sa gobyerno ang mga traydor,” aniya.

Ipinunto rin niya ang implikasyong pang-geopolitika ng pagpapahintulot sa mga Chinese nationals na makapasok sa Philippine system gamit nag mga pekeng dokumento at tinawag niya itong “national security red flag.”

“This is about our national integrity. We owe it to every Filipino to defend our systems from being weaponized by a foreign power,” ani Adiong.