Valeriano

Solon: May ‘conspiracy theory’ sa NBP septic tank mass grave

Mar Rodriguez Aug 12, 2023
169 Views

NANINIWALA ang Chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano na mayroong nangyayaring “conspiracy theory” sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) partikular na sa loob ng maximum security compund matapos matuklasan ang misteryoso at hindi maipaliwanag na “mass grave” o mga bangkay na itinatapon umano sa loob ng isang septic tank.

Binigyang diin ni Valeriano na nananatiling pala-isipan at napakalaking misteryo kung papaano na hindi man lamang namamalayan o nakaka-abot sa kaalaman ng pamunuan ng NBP ang napapabalitang pagtatapon ng mga patay sa loob ng nasabing national penitentiary.

Kaya ang duda ni Valeriano ay maaaring mayroong nangyayaring “conspiraccy theory” sa loob ng NBP.

Ipinaliwanag pa ni Valeriano na ito ang kailangang masusing imbestigahan ng Kamara de Representantes upang mahalukay ang mga misteryong nagaganap sa loob ng NBP at matukoy kung sino-sino ang posibleng sangkot sa mga nangyayaring iregularidad.

“How is this possible in NBP which is supposed to be a heightened security prison compound in our country? A mass grave that no one there admits to know about?Again, is this possible? sabi ng mambabatas.

Muling binigyang diin ni Valeriano na hindi na kailangan pang maging isang “rocket scientist” para maunawaan na ang simpleng paglilibing ng isang tao o hayop man ay kinakailangang magkaroon ng “accountability” at abiso sa mga opisyal ng NBP.

“We need not become a rocket scientist to know that in a prison place like this. A decision or an act such as to bury humans or even animals in mass count must undergo proper accountability process. Otherwise, this could only be foul and malicious as to be hidden and buried from public knowledge,’ sabi pa ng kongresista.