Abante

Solon: Suportahan ang bagong liderato ng kamara

Mar Rodriguez Jul 27, 2022
231 Views

UPANG tuluyan ng umunlad at makahulagpos mula sa tanikala ng karukhaan ang bansang Pilipinas, iginiit ngayon ng isang Metro Manila solon na kailangan ang solidong suporta mula sa mga kongresista para sa bagong liderato ng Kongreso sa pamumuno ni House Speaker Ferdinand “Martin” G. Romualdez sa ilalim ng 19th Congress.

Sinabi ni Manila 6th Dist. Rep. Bienvenido “Benny” Abante, Jr. na dapat suportahan ng mga kapwa niya kongresista ang bagong liderato sa Kamara katulad din ng suportahan ibinigay sa kaniya bilang dating House Deputy Speaker at House Minority Leader ng 18th Congress.

“Having been fortunate to have served in the leadership position in the House. I know firsthand how important it is to have the support and assistance of your colleagues,” ayon kay Abante.

Binigyang diin pa ni Abante na habang ang bansa ay ginugupo ng krisis tulad ng COVID-19 pandemic, napakahalaga aniya na suportahan ng lahat ng kongresista ang bagong liderato ng Kongreso upang maipasa agad ang mga “priority measures” na nakasalang sa Kamara.

“It was crucial then and it is crucial now as we work to rebound from effects of the COVID pandemic and continue to find ways to provide livelihood, food security and adequate health care for over 110 million Filipinos,” dagdag pa ng kongresista.

Ipinaliwanag pa ni Abante na obligasyon ng bawat miyembro ng Mababang Kapulungan sa suportahan ang bagong liderato sa Kongreso sa iallim ng pamumuno ni Speaker Romualdez. Kabilang na dito ang kanilang ambag bilang mga mambabatas para sa ikauunlad ng bansa.

“The important thing is that we all agree that the welfare of our constituents is our primordial concern and we are all motivated by the desire to serve them to the best of our ability as their representatives in Congress,” sabi pa ni Abante.