Calendar
Solusyon sa matinding pagbaha sa Metro Manila tutumbukin ng House Committee on Metro Manila Development
๐ฆ๐ ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐ป๐ถ๐ด ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐ผ๐ป ๐ ๐ฒ๐๐ฟ๐ผ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐, t๐๐๐๐บ๐ฏ๐๐ธ๐ถ๐ป ๐ป๐ด c๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฅ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ “๐๐ฅ๐ฉ” ๐ . ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ผ๐น๐๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ฝ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฎ๐ต๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ ๐บ๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐น๐ถ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ ๐๐ฎ ๐ ๐ฒ๐๐ฟ๐ผ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐ฝ๐ฒ๐ฟ ๐๐๐ฝ๐ต๐ผ๐ผ๐ป ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ฎ.
Ayon kay Valeriano, ang isa sa mga paksang tatalakayin ng kaniyang komite ay ang paghahanap ng mga epektibong solusyon upang resolbahin ang problema ng matinding pagbaha sa Metro Manila sa tuwing magkakaroon ng bagyo at malakas na pag-ulan.
Paliwanag ni Valeriano, ang isa sa mga solusyon na nakikita nito patungkol sa teribleng pagbaha sa Kalakhang Maynila ay ang pagkakaroon ng “catch basin” sa mga estratehikong lugar katulad sa Bonifacio Global City (BGC) kung saan hindi naapektuhan ng matinding pagbaha ang nasabing lugar.
Sinabi pa ni Valeriano na isa rin sa tutumbukin ng kanilang pagdinig “in aid of legislation” ay ang flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa kabila ng napakalaking budget ng ahensiya ngayong taon at sa 2025 ay bigo pa rin umano ang DPWH na epektibong maipatupad ang naturang proyekto para maiwasan ang mga pagbaha sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila.
Binigyang diin ng kongresista na kailangang ipaliwanag ng DPWH kung kamusta na ang kanilang flood control project at kung papaano nila ginastusan ang nasabing proyekto. Maging si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ay nagalit na rin dahil sa kabila ng malaking budget ng DPWH ay mistulang walang naging pakinabang ang flood control project nito sa kasagsagan ng bagyo.
“Ang isa sa mga pag-uusapan namin ay yung pagkakaroon ng catch basin sa ilang lugar sa Metro Manila kagaya duon sa BGC pati na rin ang control project ng DPWH. Ang laki ng pondo nila, the question is. Saan nila dadalhin iyon? Kailangan nilang magpaliwanag,” ayon kay Valeriano.