Mendoza

SONA ni PBBM face-to-face

192 Views

NAGHAHANDA na ang House of Representatives para sa isasagawang face-to-face State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay House Secretary-General Mark Llandro Mendoza papayagan din ang full capacity ng plenary session hall sa Hulyo 25.

Sinabi in Mendoza na inaasahan ng Kongreso ang pagdalo ng lahat ng 315 miyembro ng Mababang Kapulungan at 24 na senador at mga miyembro ng diplomatic corps upang makinig kay Marcos.

Dagdag pa ni Mendoza nagsagawa ng renovation sa plenary session hall upang mapalaki ang lugar kung saan umupo ang mga mambabatas. Dahil dito ay nabawasan ang gallery o lugar kung saan nanonood ang mga panauhin.

Sa pagtataya ni Mendoza aabot sa 1,200 ang kabuuang bilang ng mga tao na maaaring payagang makapasok sa session hall.

Kung hindi muling tataas ang mga kaso ng COVID-19, ang SONA ni Marcos ang magiging unang face-to-face mula noong 2020.

Nagsagawa ng hybrid SONA o magkahalong limited face-to-face at online noong 2020 at 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.