Calendar
SOP sa panahon ng kalamidad ipinarerepaso ni PBBM
IPINAREREPASO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang standard operating procedures (SOP) kapag mayroong kalamidad para maging mabilis ang pagtugon sa mga nangangailangan at pagisahin ang galaw ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Sa isinagawang pagpupulong ng Gabinete ngayong Agosto 5, nais ni Marcos na mas mapaganda ang operasyon ng gobyerno sa panahon ng kalamidad matapos ang magnitude 7.0 lindol sa hilagang bahagi ng Luzon noong Hulyo 27.
“I think we have to review our SOPs when there’s a warning. So what do we do immediately when the alert is given to us? How do we preposition the things that we will need?” sabi ni Marcos sa pagpupulong.
Sinabi ni Marcos na mahalaga na naka-preposition na ang mga satellite phone, generator, tubig at iba pang kakailanganin kapag nagtaas ng alerto sa partikular na lugar.
“Ang experience ko, the first thing you have to do is communicate with the local government official,” sabi ng Pangulo.
Napag-usapan din ang airlift asset ng gobyerno upang mabilis na makatugon sa mga nangangailangan.