Sotto

Sotto: Dapat enrolled copy ang ratipikahan, blind ratification di na dapat maulit

214 Views

MARIING sinabi ni Senate President Vicente C. Sotto III na ipagpapaliban ng Senado ang ratipikasyon ng 2026 national budget sa Disyembre 29, sa halip na ngayong linggo, upang maiwasan ang panibagong “blind ratification” gaya ng nangyari noong nakaraang taon na para sa kanya ay hindi na dapat maulit.

“Hindi eh, kung hindi ako nagkakamali, si Sen Gatchalian ang kausap ni ES (Ralph) Recto tungkol sa schedule,” pahayag ni Sotto sa isang ambush interview sa Senate Plenary Hall. “Pero sa amin, kami nina Sen. Sherwin (Gatchalian), talagang hindi namin kakayanin yung today na mag-ratify kasi ayoko ng summary, ayoko ng blind ratification katulad ng nangyari last year. As far as I’m concerned… While I’m Senate President gusto ko malinaw,” aniya.

Binigyang-diin niya na ang bersyon ng badyet na iraratipika ay dapat “malinaw na, almost enrolled copy o enrolled copy na papuntang Presidente para malinis na malinis iyon at walang insersyon, whatsoever.”

Nang tanungin kung may direktang komunikasyon sa Palasyo, sagot ni Sotto: “Wala akong direct. Except that our chairman of finance and the executive secretary.”

Tungkol sa posibilidad na malagdaan ito ng Pangulo bago matapos ang taon, sinabi rin niyang: “If they have started reviewing it from now, up to the time, there’s a possibility. But, I doubt it, perhaps, somewhere like, sometime like, 1st week of January would be ideal na na-review na nila yun.”

Wala rin daw nakitang magiging problema kung ma-delay ang lagda at pansamantalang reenacted ang badyet: “Yeah, kung ganon lang naman walang problema. The last time meron pa kaming 3 months na reenactment.”

“Wala, a few days or a week or so, walang problema yun,” dagdag niya, kaugnay ng epekto ng isang maikling reenacted budget.

Ayon pa sa kanya, posible lang ang pirmahan sa Disyembre 30 o 31 kung matagal nang nagsimulang repasuhin ng Office of the President ang dokumento: “May posibilidad, why not if they have started reviewing it, if. The Office of the President, has started reviewing it since the time we were tackling it in BICAM and after BICAM. Tulad ngayon nagpi-printing na. Malamang na nakikita ng mga kanyang… kung ano yung nangyayari. So if they have started reviewing and then on the 29th we ratify an enrolled bill, there is a possibility. 30 or 31 kung na-review na niya. Pero kung hindi pa kompleto, talagang possibly 1st week of January.”

Nang tanungin kung may naging mungkahi mula sa Senado na simulan na ang review, ani Sotto: “Walang ganong pag-uusap. Wala kaming direct na pag-uusap.”

Inamin niyang posible sana ang ratipikasyon ngayong araw pero siya mismo ang tumutol. “Actually puwede talaga ngayon kung tutuusin, ako lang ang may ayaw. At most of the members of the majority sinusuportahan ako na gusto ko enrolled copy ang i-ratify namin — sigurado na yung laman at hindi kayang singitan ng kahit ano.”

Sa tanong kung may problema sa attendance: “Hindi eh, kung sino ang sumagot sa roll call noong 17, present lahat yun ngayon and on the 29th. Parliamentary strategy.”

“Unless a quorum is questioned. But I understand that most of my colleagues would be here on the 29th. Kasi dapat ngayon eh, nung sinabi namin na hindi puwede ngayon, diba sa 29 na yung karamihan sa kanila,” paliwanag pa niya.

“Merong mga mag a out of the country, pero we will be having more than or 13 members of the Senate on the 29th,” dagdag ni Sotto.

Samantala, nang tanungin tungkol sa mga umano’y file na may kaugnayan sa yumaong Undersecretary Cathy Cabral, sagot ng Senate President: “Si Sen. Lacson tanungin niyo diyan, before that came about, may mga alam na si Sen. Lacson diyan, may natatanggap na siya na… ni Usec Cabral. Siya ang tanungin niyo diyan.”

Sa tanong kung may sangkot na senador, sagot niya: “I don’t know, siya ang kausap ni Cabral. Many days ago pa before all this. Di ko alam…”

Sa dulo ng panayam, nang tanungin kung ano ang kanyang Christmas wish, pabirong sagot ni Sotto: “Para Miss Universe ‘yan ah. World Peace.” At seryosong dagdag niya: “A prosperous and peaceful 2026 for the entire country.”