Chiz

SP Chiz: ARAL Program mabibigyan ng magandang kinabukasan mga mag-aaral

97 Views

PINURI ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang pagpirma ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act bilang isang napapanahon at mahalagang hakbang para tugunan ang krisis sa pagkatuto sa bansa.

Isang prayoridad na hakbangin ng Legislative-Executive Development Advisory Council, ang ARAL Act kung saan ay makakatulong sa mga mag-aaral na natukoy na kulang pa sa minimum proficiency levels sa wika, matematika, at agham upang makahabol at maipagpatuloy ang kanilang edukasyon.

“Malaki ang magiging tulong nitong ARAL Program para matugunan ang matagal na nating problema tungkol sa mga mag-aaral na hindi makapagbasa nang maayos at hirap sa matematika at agham. Ang layunin nitong batas ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng magandang edukasyon,” sabi ni Escudero.

Sa ilalim ng batas, ang mga guro, para-teachers, at pre-service teachers ang magiging responsable sa pagtuturo sa mga tinukoy na mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade 10.

Sasaklawin ng ARAL ang mga pinaka-mahalagang kakayahan sa pagkatuto sa ilalim ng K-to-12 basic education curriculum, kabilang ang mga asignatura sa matematika at agham mula Grades 1 hanggang 10, at agham mula Grades 3 hanggang 10.

Layunin din ng programa na mapabilis ang pagbangon mula sa mga nawawalang kaalaman na dulot ng pandemia na nagdaan.

“Proficiency in these essential learning competencies will serve as the foundation for individuals to become productive members of society. The completion of basic education is the key to open opportunities for our learners, whether they opt to pursue higher education or to join the workforce using the skills they have learned along the way,” ayon kay Escudero.

Ang Department of Education ay naatasan na makipag-ugnayan sa Commission on Higher Education, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Information and Communications Technology, Department of the Interior and Local Government, at iba pang mga stakeholders para sa implementasyon ng batas.

Ang Senate Committee on Basic Education chair Sherwin Gatchalian ang nagsponsor ng Senate Bill No. 1604 na ang mga may-akda ay sina dating senador at ngayon Education Secretary Sonny Angara.