Chiz

SP Chiz: Katiwalian ‘di katanggap-tanggap, dapat bigyang tuldok

9 Views

SINABI ni Senate President Francis Chiz Escudero na hindi katanggap-tangap ang katiwalian sa pamahalaan kaya dapat nang bigyang tuldok sa anumang paraan.

Iginiit ng senador na patuloy ang paglaban ng Pilipinas sa katiwalian ngunit marami pa ring kailangang gawin upang tuluyang alisin ang mga pagkakataon para sa mga mapagsamantalang indibidwal at grupo.

Pinuri ni Escudero ang mga bumubuo ng Integrity Management Program sa kanilang pagsisikap na matugunan ang mga obligasyon ng Pilipinas.

“Great strides are being made to eradicate corruption and restore integrity, dignity and efficiency in public service,” sabi ng senador.

“The battle against corruption is one which we cannot lose. The stakes are simply too high, the consequences too grave and the cost of failure too catastrophic to fathom,” ayon kay Escudero.

Kung pababayaan at hindi bibigyan ng tamang aksyon, sinabi ni lalaganap at magiging bahagi ng bawat sangay at antas ng gobyerno ang katiwalian.

Dahil dito, mahalaga ang paggamit ng isang “whole-of-government approach” upang sugpuin ang katiwalian, opisina sa opisina, ahensya sa ahensya, hanggang sa tuluyang mawala ang problema.

Binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng Senado sa kampanya laban sa katiwalian, kabilang ang paggawa ng mga batas gaya ng New Government Procurement Act, Anti-Agricultural Sabotage Act at Anti-Financial Accounts Scamming Act.

Pinalakas din ng lider ng Senado ang kahalagahan ng kapangyarihan ng oversight ng kanilang institusyon.

Bilang paghahanda sa mas epektibong kampanya laban sa katiwalian, iminungkahi ni Escudero ang mga hakbang tulad ng digitalisasyon ng mga sistema.

“Because the portals for payment of fees, permits for business and public expenditures are windows through which these can be monitored and seen,” paliwanag niya.

Kailangang gawing simple at malinaw ang mga patakaran upang mapadali ang proseso ng negosyo at maalis ang mga oportunidad para sa katiwalian, ayon pa sa senador.

Dagdag pa ni Escudero, dapat hikayatin at protektahan ang mga whistleblower at ang mga kawani ng gobyerno na tumutulong sa kanila.

“We must defund or diminish expenditures which pose the highest moral hazards, and demonstrate, reward and incentivize best practices, show that these are not one-off victories, but replicable triumphs of good against evil,” dagdag niya.