SP Escudero

SP Chiz kay VP Sara: ‘Wag pa-victim, your troubling behavior sobra na’

51 Views

NANAWAGAN si Senate President Francis “Chiz” G. Escudero sa lahat ng sangkot sa umiinit na usapin tungkol sa isyu ni Vice President Sara Duterte na magtulungan upang maibaba ang tensyon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Senate President na lubos siyang nababahala sa pinakahuling pagsabog ni VP Sara sa publiko kaugnay ng pagkakadetine ng kanyang chief of staff sa House of Representatives.

“She should keep in mind that as a public official, she has a duty to set an example for the personnel in the Office of the Vice President and our fellow Filipinos, especially our children,” ani Escudero.

Sa isang video na inilabas sa publiko, nagpakawala si Duterte ng mga salitang may halong pagmumura laban sa First Family at kay Speaker Martin Romualdez bilang tugon sa kanyang sinasabing tuluy-tuloy na pangha-harass sa kanya at sa kanyang opisina.

Ayon kay Escudero, dapat pag-isipan ng Pangalawang Pangulo at ng kanyang mga kapanalig “kung paano nakakaambag ang kanyang mga kilos sa pagtaas ng tensyon.”

“Our government has urgent and pressing concerns it must address—matters that directly affect the lives and livelihoods of the Filipino people.

It is imperative that we as public officials focus our energy and attention on resolving these issues,” dagdag pa niya.

Sinabi rin niyang nakakalungkot na ang bawat insidente ng ganitong klase na kinasasangkutan ng Pangalawang Pangulo at ang kanyang “erratic and troubling behavior” nagiging sanhi ng hindi kailangang abala sa pagtutok sa mga mahahalagang pangangailangan ng bayan.

“If she is struggling, I sincerely hope she seeks and is provided with the help she may need so she can regain calm and composure, and properly discharge her duties as Vice President,” ayon kay Escudero.

Bagamat inamin niya na may mga pagkakataon kung kailan nanaig ang galit at pagkadismaya, sinabi niyang bilang mga lingkod-bayan tulad niya at ng Pangalawang Pangulo, “do not have that luxury, as our Code of Conduct requires all public officials and employees to ‘perform and discharge their duties with the highest degree of excellence, professionalism, intelligence and skill’.”