cHIZ1

SP Chiz: Pagtaguyod sa mental wellness sa batayang edukasyon sasagot sa pangangailangan ng mag-aaral

66 Views

ISINUSULONG ni Senate President Francis “Chiz” G. Escudero ang pag-iinstitusyonal at pagbibigay-halaga sa mental health at well-being sa batayang edukasyon na siyang magiging makabuluhan na magpapalakas sa mga hakbangin ng pamahalaan upang tugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral kahit sa murang edad pa lamang.

Ginawa ni Escudero ang pahayag sa gitna ng nakatakdang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa makasaysayang batas na magbibigay suporta sa mental wellness ng bawat mag-aaral sa parehong pribado at pampublikong paaralan sa buong bansa, at magpapalakas sa kakayahan sa pagtugon sa mga krisis na kinakaharap ng mga mag-aaral.

“This landmark legislation will institutionalize a comprehensive school-based mental health program, ensuring that every public and private basic education school in the Philippines has the necessary resources and support to address the mental health needs of our learners,” pahayag ni Escudero.

“The Act mandates the establishment of care centers in schools, staffed by qualified mental health professionals, to provide essential services such as mental health first aid, crisis response, and ongoing support for students and staff,” dagdag ng pinuno ng Senado.

Binibigyang-diin ni Escudero ang kahalagahan ng batas na ito, lalo na’t tumataas ang mga hamon sa mental health na nararanasan ng mga mag-aaral, partikular na matapos ang pandemya ng COVID-19.

“Our students have endured significant disruptions to their education and daily lives in recent years. This act will help create a supportive environment where they can thrive academically and emotionally,” kanyang binigyang-diin.

Inaatasan ng batas ang pagsasakatuparan ng komprehensibong school-based mental health programs para sa lahat ng pampubliko at pribadong institusyong pang-batayang edukasyon, kabilang ang mga probisyon para sa mga out-of-school children sa espesyal na mga kaso.

Layunin nito na itaguyod ang kamalayan sa mental health, tugunan ang mga isyu sa mental health, at palakasin ang mga hakbang sa pagpapababa ng bilang ng mga kaso ng pagpapakamatay sa mga paaralan.

Magkakaroon din ng karagdagang mga plantilla position para sa mga school counselor, at mas palalakasin ang mental health programs sa mga paaralan. Kabilang dito ang mga posisyon gaya ng School Counselor Associate I hanggang V, School Counselor I hanggang IV, at Schools Division Counselor. Ang mga kasalukuyang item ay ire-reclassify din.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Escudero sa kanyang mga kapwa mambabatas sa Senado at Mababang Kapulungan para sa kanilang suporta sa mental health at wellness.

“I extend my deepest appreciation to my colleagues in the Senate and the House of Representatives for their dedication and commitment to ensuring the passage of this vital law. Together, we are taking significant strides in safeguarding the future and welfare of our nation’s youth,” aniya.

Ang batas na lalagdaan bukas ay pinagsamang bersyon ng Senate Bill No. 2200 at House Bill No. 6574.