Valeriano

Spaghetti wires sa mga poste sa Metro Manila ikinababahala

Mar Rodriguez Jun 30, 2024
314 Views

𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔 𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗲𝘁𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗰𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗶𝘀𝘁𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴 “𝘀𝗽𝗮𝗴𝗲𝘁𝘁𝗶 𝘄𝗶𝗿𝗲𝘀” 𝗼 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝘂𝗵𝗼𝗹-𝗯𝘂𝗵𝗼𝗹 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗿𝘆𝗲𝗻𝘁𝗲, 𝗰𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗧𝗩 𝗮𝘁 𝗹𝗶𝗻𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝘁𝗲𝗹𝗲𝗽𝗼𝗻𝗼 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗯𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗼𝘀𝘁𝗲 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗹𝗮𝗸𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗻𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗺𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗻𝗼𝗴 𝗮𝘁 𝗶𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮.

Dahil dito, inihain nina Manila 1st Dist. Cong. Joel R. Chua at chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano ang House Bill No. 10549 na naglalayong obligahin ang mga “regulatory agencies” upang resolbabin ang mga kableng nakakabit sa mga poste na matatagpuan sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila.

Pagdidiin pa nina Chua at Valeriano, matatagpuan pa naman ang mga tinaguriang “spaghetti wires” o ang mga buhol-buhol na kable ng kuyente, cable TV at linya ng telepono sa mga mataong lugar o ang tinatawag na “slum areas” kung saan mas “prone” o mas malapit ang mga aksidenteng gaya ng sunog.

Ayon din kina Chua at Valeriano, nais lamang nilang ipaalala sa mga kompanya o utility companies na nagkakabit ng mga kable sa poste na kailangan umano nilang ayusin ang mga nakakabit nilang kable alang-alang sa libo-libong residente na naninirahan malapit dito.

Sabi pa ng dalawang kongresista, hindi na kailangan pang hintayin ng mga kompanyang ito na magkaroon ng sakuna bago sila kumilos.

“Our House Bill is a strong signal to the regulatory agencies. We are telling them there is a chaotic public safety and service quality problem that merits at the very least better regulation and initiative from the utility companies. At most, a law is needed to expressly give these regulators strong legal basis,” ayon kina Chua at Valeriano.

Dagdag pa nina Chua at Valeriano, sa loob ng mahabang panahon, mistulang “nagte-tengang kawali” lamang anila ang mga nasabing kompanya dahil sa kabila ng mga naiulat na kaso ng sunog na nagmula sa mga “spagetti wires” ay hindi parin sila umaksiyon para resolbabin ang problema at para maiwasan sana ang mga sakuna.

“This is a problem that has persisted for many years. It has not had immediate and effective action from the regulators and from the utility companies. They have neglected this problem that manifested dozen of localized disasters waiting to happen,” wika pa nina Chua at Valeriano